"Hazel! Mamaya ka na kumain," reklamo ko habang hinihila ako ni Hazel papuntang cafeteria.
Vacant period na namin ngayon at gutom na gutom na raw si Hazel kahit tatlong subjects pa lang ang nakalilipas. Ako naman ay gulong gulo na ang buhok na animo'y ginahasa ng sampung engkanto. My ponytail got loose and some of the strands are astray. I have to go to the restroom first but Hazel is just so persistent!
"Bakit mag-aayos ka pa? Cafeteria lang naman pupuntahan natin!" reklamo niya. "Uyy! May crush ka 'no? 'Yung kanina ba? Okay lang naman kung sasabihin mo sa'kin e. Ako lang 'to, Lyzel."
Ang tinutukoy niyang crush ko ay si Arius. Nakita niya kasi kami kanina n'ong nag-uusap kami at simula noon ay hindi na siya tumigil kakaasar sa akin. Ang unfair nga dahil noong naabutan naman niya si Andrick na naka-akbay sa akin ay hindi naman niya ako inasar nang ganito. Kesyo hindi naman daw kami bagay. Mukha lang daw talagang magkapatid.
"Of course not! Sa SM kasi ako kakain dahil mamaya-maya pa naman ang Developmental Biology," I smirked at her. "Ewan ko lang kung sasama ka."
I would literally do anything to avoid the cafeteria. Kahit anong oras yata ay siksikan doon. Too many people somehow make me suffocate. I'm also a bit of an introvert. I prefer quality over quantity. Kaya rin kakaunti lang ang mga tinuturing kong kaibigan. Ivy and I are the complete opposite of Creia na halos lahat ng nakakasalubong ay binabati.
"I mean, sure! Mag-restroom ka na," tinulak niya pa ako. "Take your time. Dito lang ako."
Natawa na lang ako sa inakto ng kaibigan. Siguro naisip na kaagad niya na ililibre ko siya. Ewan ko r'on! Ang yaman nila pero napakakuripot niya.
I tied my hair in a half ponytail before I went outside to get back to Hazel. Hindi na ako nag-high ponytail dahil baka magulo na naman. Ayos na rin iyon dahil medyo malamig na ang temperatura.
I saw Arius with his friends when I was on my way back to Hazel. Apat sila at puro rin sila mayroong mga itsura. Arius another boy who looked a lot like him stood in the middle. Magkamukha sila pero mas maloko nga lang ang itsura n'on. Ang nag-iisang moreno sa kanila ay nasa gawing kanan. Compared to his other friends, he looked more basic. Mukha rin siyang mahiyain. The boy on the far right, on the other hand, reminded me of Creia. Lahat ng nakaksalubong nito ay binabati niya at kung minsan ay tumatawa pa.
The basic guy, however, caught my attention. Maganda ang mga mata niya dahil mapupungay ito. Arius has better eyes though, pero iba kasi ang dating niya. I better ask Arius about him.
"You're late, Ms. Salcedo and Ms. Avina!" puna ng propesor namin sa Developmental Biology.
"Sorry, Ma'am," sabay naming sambit bago naghanap ng mauupuan.
I pouted and glared at her when we sat down. Ang dami ba naman kasi niyang in-order na pagkain kanina. Nahirapan tuloy siyang ubusin 'yon kaya natagalan kami. Kesyo sinusulit na raw niya dahil libre ko naman. Na-late pa tuloy kami at hindi na ako magugulat kapag nalaman agad ng magaling kong ina. That's what she's good at anyway, acknowledging everything I did wrong.
The class was boring but I managed to stay awake. I have to take notes and do my best to understand each lesson. Bukod sa ayaw kong madagdagan ang dahilan kung bakit ako mapapagalitan ay kailangang maging DL ako. I also want to graduate with Latin honors. And that is not for the satisfaction of my parents. It's for me.
Wala nang bakanteng oras sa mga sumunod kong subject kaya pagod na pagod ako nang mag-uwian na. Magulo na ang buhok ko dahil wala akong oras para ayusin iyon kanina kaya inilugay ko muna iyon at sinuklay bago pumunta sa harapan ni Inang Laya para makipagkita kay Andrick.
BINABASA MO ANG
Sunken Promises
RomanceNY Girls Series 1 | Lyra Zelena Avina Some promises are simply made for reassurance.