" DINAAAAAANGGGGG!!!""Ano ba, Carmela!! Five minutes pa!!"
Naman oh! Natutulog pa yung tao e."Carmela ka diyan! Hoy! Ate mo 'to. Bumangon ka na nga! Mahuhuli ka na sa flag ceremony niyo!" Sabi ni ate at pilit na hinahatak yung kumot sa mukha ko.
Aish!
"Inaantok pa talaga ako eh! Di na muna ako papasok!"
"Aba! Kung isumbong kaya kita kay mama? Tsaka magtiis ka! Kung di ka ba naman nagbababad diyan sa Wattpad na yan. Bangon na!!" At ayon na nga. Tuluyan ng naagaw ni ate yung kumot sa mukha ko.
"Si ate naman oh! Oo na babangon na!" Sabi ko at laylay ang balikat na naglakad papunta sa banyo at humarap sa salamin.
O_O
Shocks!Ang lulusog ng eye bags ko. Tinapos ko kasi kagabi yung isang story sa Wattpad. Yung I Love Sin ce 1892? Panay pa ang iyak ko ng malamang hindi nagkatuluyan si Carmela at Juanito.
Huhuhuhu.
Wattpad addict kasi ako eh. Mahilig ako magbasa dun. Matapos ko maligo hindi na ako kumain kasi LATE na talaga ako. >_<
Ako nga pala si Devonne Marquez. Turning 18 this year. Proud ako sa apelyido ko kahit na hindi ako tunay na anak nila mama at papa, dala ko pa rin ang apelyido nila.
About my biological parents? Well, sabi nila mama nagkasakit daw yung biological mother ko when I was was born. Kaya inampon na nila ako 2 weeks after ako ipanganak. Balita ko namatay sila nung maaksidente ang sinasakyan nilang keep nung panahong sanggol pa lang ako. Ni hindi ko manlang sila nakita. Maski litrato wala. Yun yung masakit na part sa buhay ko. MMK na this.
Teka, paano ko ba ilalarawan sarili ko?
Hmmm...Physically, hanggang leeg ko yung straight kong buhok. Pero hindi naman ganun ka straight kasi may ilan akong split ends na nagpapadry ng buhok ko. Pero kung titingnan maayos naman siya. Sakto lang yung katawan ko, hindi payat, hindi rin naman mataba, at higit sa lahat. HINDI SEXY. -_-
May baby fats din naman ako sa tiyan ko pero hindi ako mataba. Ewan ko, malakas naman ako kumain. Hindi ako matangkad, kasi 5 lang ako. May lahi sigurong duwende yung totoo kong mga magulang, kaya heto ako ngayon. KINULANG.
Best asset ko daw yung mata at labi ko. Base lang yan sa mga sinasabi ng mga kaibigan at kaklase ko. Bilugan kasi ang itim kong mga mata, at sabi 'daw' nila cute daw yung lips ko lalo na sa may Cupid's bow ko. Sa malapitan mapapansin mo yun. Feel ko nga hindi yun totoo dahil namumutla nga labi ko e.
Emotionally? I'm weak and shy type. Madali akong umiyak, sensitive masyado at mahiyain. Demure ako sa iba, sa mga hindi ko ka-close. Pero yung totoo, LOUD ako. Oo, loud talaga ako lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Sabi nila, matalino ako. But for me, hindi totoo yun, grade conscious lang ako at masipag. Mahilig ako magsulat at magbasa. I really loves writing stories, poems, at may iilang kanta na rin akong naisulat.
So that's me.
Kahit puro ako pagsusulat at pag aaral nagkakaroon din naman ako ng mga kilig moments at crushes. Pero I keep it to myself dahil ayoko may makakaalam at tutuksuhin lang ako. Nakakahiya kaya!
Lalo na nung makilala ko siya. Kapag sinabi kong nakilala. Hanggang dun lang talaga. Walang interactions. No more no less. Period. Susi. Padlock.
Ok ang O.A. ko na. -_-
He is Jericault Thaddeus Perez, also known as 'Jet', kilala bilang mayaman, sikat, at matalino. Una ko siyang nakilala nung grade 11 pa lang ako. Simula nung dumating siya sa school namin marami ang humanga sa kaniya. Bukod kasi na sikat at mayaman, ay gwapo din naman kasi siya. Agaw pansin pa ang height niya. Ang tangkad niya kasi. Malakas ang charisma at gentleman. Talented pa siya, Kasi magaling siya kumanta.
YOU ARE READING
Proof of my Heartbeat
Teen FictionHigh school student Dannah Marquez, notices Leigh Alcantara, who's a new student at high school entrance ceremony. She falls in love with him immediately. Dannah initially doesn't express her feelings to him for almost years, but finally has a chanc...