Chapter 1

183 72 12
                                    

"Mavin ano ba? Halika na nga ang bagal bagal mo naman eh"

"Wow Jem seriously? Salamat sa pag sira ng tulog ko ha? Bakit ka ba kasi nandito at bakit pa tayo papasok eh kakatapos lang naman ng exam" pagrereklamo ko dito sa kaibigan kong bigla bigla na lang sumusulpot sa kuwarto ko at pinipilit pa akong pumasok.

"Duh Mavin? May event ngayon sa campus noh."

"Eh ano naman? Kasali ka ba?" I questioned her.

"Why kailangan bang kasali? Hindi ba puwedeng manonood lang, audience lang ganern?" I just groaned to her answer.

"Ah basta, halika na andun na din sila Kai at Nix" dagdag pa nia.

Binilisan ko na lang ang pagkilos ko para wala nang masabi tong bruhang to.

Pagpasok pa lang namin sa entrance rinig na rinig na namin ang hiyawan sa auditorium galing sa mga estudyante, ugh ang ingay lang talaga. Napanganga na lang ako ng makita kung ano ang pinapa nood nila sa stage gosh!

"Jem ano ba naman yan? Parang ewan , ano bang trip nila sa buhay?" Wow lang ha? Pinapahiya ba nila sarili nila?

"Yun na nga eh, alam mo naman katatapos lang netong first sem. Gusto lang nilang magpatawa, pampatanggal stress daw ba AHAHAHAHAHA"

Pampatanggal stress? Eh mas na- stress ata ako ng makita sila. Funny costumes made of recyclable materials seriously? Halos makita na singit ng mga to sa mga suot nila, malababae man o lalaki.

"Nasan na ba sila Kai at Nix?" tanong ko kay Jem.

"Andiyan lang yang mga yan BWAHAHAHAHAHA" at may patawa with palakpak effect pa ang gaga dahil sa pinapanood niya.

Inilibot ko ang paningin ko para sana hanapin ang dalawa pang bruha kong kaibigan nang mapako ang tingin ko sa isang lalaki. Sino siya? Bat parang ngayon ko lang siya nakita dito sa campus?

Napakunot na rin ang noo ko ng makitang kumunot ang noo niya. What's up with him? Why he's still watching kung di niya naman gusto iyong pinapanood niya?

My jaw remained droppy when I felt someone was poking me.

"Hoy Mavin ano ba?"

"Oh Kai? Nix what's up? Anjan lang pala kayo mwehehe" nahihiyang bati ko sa kanila.

"Actually girl kanina pa, sino ba kasi yung tinititigan mo jan at mukha kang naglalaway na aso ha?" Kai said.

"Huh, Ano bang sinasabi mo jan? Hinahanap ko nga kayo eh" I awkwardly said to them.

"Ah by the way I saw someone, hindi cya familiar kaya baka kilala niyo?" dagdag na tanong ko pa sa kanila.

"Edi lumabas din yung totoo na may tinitignan ka nga jan." I frowned ng biglang magsalita tong si Nix.

Duh, siya ung tao na malimit lang mag salita hindi kagaya netong si Jem na kulang na lang kumandidato na sa dami ng kakilala. Feeling ko nga eh mananalo to pag tumakbo bilang SSG President, di kagaya nung college na current SSG Pres. namin na kaya lang nanalo kasi walang kalaban. Itong si Kai naman subsub lang sa pag aaral at siyempre ako epal lang sa life.

"Nahagip lang ng mata ko gaga ka" I answered.

Nix just shrugged.

"Sino ba jan?" Jem said. Ituturo ko na sana ng biglang may tumulak sakin at buti na lang nasalo ako agad ng mga kaibigan ko kung hindi dederetso talaga ang mukha ko sa sahig

"WHAT THE HE-" I was about to shout when someone interrupted.

"I'm sorry"

Bigla akong napatingin sa kanya with may panlilisik ng mata when finally I saw his face with a manly features that will surely make your heart tremble in kilig.

"Stop staring miss, nakakarami ka na"




(Campus Serye: Mavin's Crush!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon