Chapter 4

145 64 3
                                    

"MISS DELA ROSA!" nagulat na lang ako nang marinig ang sigaw ni Maam Castro.

"Yes maam?" kinakabahan na sagot ko. Anuba naman yan. Saan na naman ba napunta yung pag iisip ko ngayon?

"Nakikinig ka ba Miss Dela Rosa?" tanong ni maam.

"Yes maam, of course I'm listening" depensa ko sa sarili. Ang sakit naman neto sa ulo. Di rin naman ako nakapag pahinga ng sabado at linggo kasi ang epal ng kapatid ko, wala na siyang ibang alam gawin kundi mag tiktok. Ako gumawa lahat ng gawaing bahay gosh!

"Then answer my question Miss Dela Rosa."

"Question maam?" kinakabahang tanong ko pabalik. Napatingin na lang ako bigla kila Kai para humingi ng tulong pero tumango lang sila sa akin. Napaka ano naman kasi ni Maam Castro lahat na lang pinapansin, ultimo pag bulong mo lang sa katabi mo tatanungin na niya agad. Hayst!

"Can you please repeat the question maam?" Gosh, hiyang hiya na ako dito.

"There! You don't even know the question?" Maam said with a disappointed look. "I don't want this to happen again Miss Dela Rosa, palalampasin kita sa araw na ito but if this happen again I will send you directly to the guidance office. Okay class dismissed!" singhal pa niya.

Napabuntong hininga na lang ako pagkalabas na pagkalabas ni maam. Tinapik na lang ni Nix ang balikat ko habang si Jem tawa pa ng tawa. Akala mo naman nakakasagot sa mga tanong eh kung sumagot yan kung ano ano pa ang sinasabi, mahihilo at mahihilo ka lang kaka intindi.

"What's with you Mavin? Nagalit mo ata si Maam AHAHAHAHAHA" Jem said.

"I don't know, ni hindi ko nga namalayan na nakapasok na pala si Maam at nagdi-disscuss na jan sa harap" pagdadabog ko. "Btw, ano ba kasing tanong niya?"

"What does the entrepreneurial mind frame allows the entrepreneurs to see daw" pagsagot ni Kai.

"Omygosh, I know the answer to that! It allows entrepreneur to see things in a very positive and optimistic light in the midst of crisis or difficult situations" sigaw ko sa kanila. Gosh entrepreneurship is one of my favorite subject, halos na memorize ko na yung buong book about that because it's so interesting. Ano bang nangyayari sakin?

"Lutang amputs" Nix commented.

"Baka naman kasi may ibang iniisip?" pagpaparinig pa netong si Jem.

"Kung iniisip niyo na si Shaun ang iniisip ko pwes nagkakamali kayo hmp."

"Wala kaming sinasabi" sabay sabay pa silang tatlo seriously? Pinagkakaisahan ba ako ng mga bruhang to?

"Grabe naman kasi pala yung ginawa ni Shaun sayo last week Mavin" pag-iiba ng topic ni Kai.

"I know ryt? AHAHAHAHAHA ang harsh niya sayo gorl" dagdag pa ni Jem. Tignan mo tong bruhang to na ichismis na niya agad sa dalawa yung nangyari. Late kasi ako kanina buti na lang late rin si Maam, di ko nga lang nanalayan na nandiyan na pala siya.

Bigla tuloy akong nainis nang maalala ang nangyari nung friday. Nakakainis ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ganun ba ka-importantante ang Shane na yun? Baka nga ni hindi pa niya narinig ang pangalan ko aish!

"Siyempre di naman namin hahayaan na mabusted ka agad Mavin" ngiting asong sabi ni Jem.

"So what's your plan Jem?" tanong ni Kai.

"Basta akong bahala. I have Ryle's number" Jem answered.

"Ryle? Section 2?" tanong naman ni Nix.

"Yup"

"Diba siya yung nakabatuhan mo ng basahan nung elem?" Nix.

"Anuba Nix, we already forgot about that saka siya naman may kasalanan kaya nga may utang pa sakin ang hunghang na iyon. Kaya ngayon na ako maniningil" Jem said while grinning.

"I think I don't like the idea that are running in your head right now" I commented. Ang creepy ng ngiti niya, ngiting hindi gagawa ng mabuti.

"Mavin mag thank you ka na lang in advance" Jem said bago pumasok si Sir para sa next subject.

The discussion went well naman, nakinig na ako dahil ayoko nang masigawan at mapahiya ulit. Nakaka trauma pala pag ganun? Nandito ako ngayon sa CR at hinihintay mag retouch tong si Jem. Akala mo naman may pupuntahan eh lunch lang naman namin ngayon.

"Jem ano ba? Bilisan mo naman jan, nagugutom na kami" I whispered to her. Marami rin kasing girls na nag reretouch baka sabihan na naman nila ako na nagpaparinig dito, like what happen nung first week of school gosh. Sinamahan ko si Jem nung break time namin tas sinabihan ko siyang bilisan niya kasi malalate na kami at wala rin naman magbabago sa mukha niya kasi magmumukha lang siyang coloring book pag nag blush on pa siya. Nagulat na lang ako nang sigawan ako nung isang babae at tinatanong kung may problema daw ba ako sa kanila, kita niyo na? Pasalamat siya at nagmamadali ako ng mga oras na yun kasi kung hindi nilublob ko na yung mukha nun sa sink, chOur siyempre mabait ako kaya nag sorry na lang din ako kahit wala naman akong ginawang masama.

"Oo na wait ka lang jan, nasan na ba sila Kai?" tanong niya habang naglalagay ng eyeliner.

"Nandun na, pina una ko na para di tayo mawalan ng upuan kila Ate May."

"Okay then let's go" ang arte arte talaga nitong babaeng to di ako gayahin pulbo at liptint lang, duh? Ganyan ang magaganda pulbo at liptint lang okay na (flipped hair).

Pababa na kami sa lobby nang makita namin si Shaun together with some random girl, aba malay ko kung sino yang babaeng yan pero parang familiar. I think I saw her somewhere.

"Wow it's Shaun oh?" Walanghiya talaga tong si Jem ituro pa talaga niya.

"Jem anuba, wag mo ngang ituro para ka namang shunga jan" hinampas ko nga sa braso.

"So totoo nga it's Shane" she said while frowning.

"Shane?" I asked.

"Yah, you know Shane ng section 2? Yung dancer na nahimatay nung talent search?"

"Ahhhhh" tumango na lang ako, kaya pala familiar. Napakunot na lang ako ng noo nang mapansin kung may hawig siya kay Shaun, pag tinitigan mo talaga sila mapapansin mo eh. Totoo ba yung sabi sabi na nagiging kamukha mo ang isang tao pag palagi kayong magkasama? Napatingin agad ako kay Jem, gosh bigla akong kinabahan dun ah.

"What?" Jem na mukhang nagtataka.

"Wala hehehehe, tara na nga Kai and Nix are waiting."

Nilagpasan na lang namin si Shaun na kausap pa rin si Shane pero bago pa kami makalabas narinig pa namin ang pag sigaw ni Shane

"ANO BA SHAUN? PLEASE STOP IT!"

(Campus Serye: Mavin's Crush!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon