Chapter 15

48 21 0
                                    


"Thank you, balik kayo ha?" ngiting ngiti sabi ko sa mga juniors namin.

We are grade 12 kaya nasanay na rin kaming tawaging juniors ang mga grade 11. Yung mga college namin? wala busy sila masyado. Magiging busy din kaya kami pag nag college na? Sana naman hindi masyadong mahirap, ngayong senior highschool nga ang hirap na pano pa kaya sa college?

"Mavin rest ka muna. Ako muna dito" alok ni Ash.

"Sige salamat ah" pagpapasalamat ko. Naglakad na ako papuntang bleachers,hindi naman masyadong malayo sa booth namin para kahit papa ano makita ko man lang ang pinag hirapan namin.

"Hayst kapagod" sabi ko at nag inat pa. Ilang oras na ba akong naka tayo dun? Nagpapa register lang naman ako ng mga papasok pero bat napagod ako? Tumingin ako sa relo ko at nakitang magfa-five na ng hapon pero andami paring tao.

Dito sa oval ginanap ang expo, para daw makita at hindi mag siksikan ang mga estudyante. Right decision naman.

Kinapa ko ang bulsa ko para sana tignan ang phone ko kaso wala, hayst baka naiwan ko sa bag. Saan na kaya sila Jem? Tapos na kaya sila?

Inilibot ko ang paningin ko para sana hanapin ang booth nila, ang mga bruhang yun. Di man lang ako sinundo kaninang lunch kaya naki sabay na lang ulit ako kila Clark. Ang awkward tuloy pag naiisip kong may gusto siya sakin, hindi naman sa nag fefelling ako. Mas mabuti nang umiwas ayoko namang masira pa yung bagong pagkakaibigan namin diba? Kung kaibigan nga ang tingin niya sa akin ewan?

I heaved out a heavy breath. Kapagod talaga nga frend.

"Saan ba banda yung booth ng mga yun?" tanong ko sa sarili habang inililibot pa rin ang paningin, andami naman kasing tao.

What the... hell? Bat sa dinami rami ng mga tao itong si Shaun pa ang makikita ko. Naka upo siya habang nakikinig sa lalaking kasama niya, hindi ko gaanong makita ang mukha ng kausap niya.

Tumataas na naman ang dugo ko, nakakairita siya.

I slapped my self nang marealize na naka titig na naman ako sa kanya. Naiirita ka Mavin diba? E bat mo tinitignan? Nakakalimutan mo na ba ang nangyari kahapon?

Napa iwas ako ng tingin nang mapagawi ang tingin nila sakin. Nang maramdamang di na nakatingin si Shaun nilingon ko siyang muli na dapat pala hindi ko na ginawa.

Nakatingin at nakangiti lang naman ang pinsan kong hilaw na magaling mag tago. Sakit sa mata ng ngiti niya ha. Pasalamat siya di ko pa nasasabi kay papa na andito siya kung hindi baka sugurin siya ni papa at batukan, favorite pamangkin pa man din niya ang mokong na to.

Napa irap na lang ako nang makitang may sinabi siya kay Shaun. Buwisit ka talaga kahit kailan Yuan!

Tatayo na sana ako nang makitang papalapit siya sakin kaso ang mokong tumakbo para maabutan ako.

"Hey couz, sandali naman" he said nang makalapit sakin.

"Oh ano? Ngayon lalapit lapit ka sakin? Sino ka po? Sorry I don't talk to strangers" masungit na sabi ko. Ang kapal ng mukha, tagal tagal ng nandito sa Pinas, ngayon lang nagpakita.

"Bat ba ang sungit sungit mo? Parang di tayo magka dugo" tanong pa niya.

"Ows? Magka dugo tayo?" pangbabara ko sa kanya. Bumalik na ako sa pagkakaupo ko sa bleachers.

"Oh come on Mavin nakaka hurt ka naman" he acted na parang nasasaktan pa. "Pero seryoso what's with the aura? You looke like you're going to kill someone?" he added with a serious tone. 

Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?" I asked.

"You looked sad and at the same time you looked murderous"

(Campus Serye: Mavin's Crush!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon