Ang ano mang pagkakatulad, bagay, tao, lugar o pook, ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Ang anumang pagkakatalud ng bawat pangyayari ay nagkataon lamang. Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang ng manunulat at walang bahid katotohanan.
Ang sinumang magnanakaw ng estoryang ito ay may tamang parataw na parusa.
*No Copyright infringement, and Plagiarism is a crime*
DON'T FORGET TO FOLLOW MY ACCOUNT AND HIT THE STAR, TO VOTE MY STORY MGA SIS. ❤❤❤ LOVELOTS ❤
When everything falls apart walang matakbuhan Lory Antonio. She felt lost, lalo na at nowhere to be found ang kaniyang nag-iisang kaibigan na si Crystal.
Sa kaniyang mga nararanasan isang nilalang ang dumating, hindi niya maintindihan kung ito ba ay kaaway o hindi. Kung kakampi at mapagkakatiwalaan lalo pa at kakaiba itong nilalang.
Parati siya nitong tinatakot at pinapaantindi na siya ay isang mali, ngunit para sa kaniya kailanman walang nabuhay sa mundo na mali sa paningin ng diyos. Lalo pa at nalaman niyang hindi mga ordinaryong tao ang kaniyang mga magulang ang kaniyang ama ay isang anghel noon at isang tinaguriang nephilim naman ang mapagmahal niyang ina. Nalaman niya mula kay Ariel ang lahat ng katotohanan sa buo niyang pagkatao. Ang lalaking anghel na walang ibang ginawa kundi ang takutin siya mapa-umaga o gabi. Gusto man niya matakot rito pero hindi, hindi niya makuhang matakot sa nilalang na iyon, bagkus naaaliw pa rito si Lory.
Nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay nasaksihan niya ang lahat, kung gaano kalupit ang mga digmaan sa pagitan ng puti at itim. Parang bumagsak ang mundo ni Lory. Ngunit, ang anghel na si Ariel ay hindi siya iniwan.
***
Para kay Ariel ay malapit na ang katapusan ng mundo para sa mga tao. Namumuhi man siya ay nahahabag naman siya sa mga supling ng paparating na henerasyon at ang mga taong malinis at bukal ang kalooban.
Ngunit kung ikukumpara niya maraming tao ang masama, ang sakim, ang nais lamang ay kapangyarihan at maraming hinahamak na maliliit na tao. Marami ang pumapatay sa mga inosente at walang magawa. Kaya kinasusuklaman ni Ariel ang mga taong ito, kailanman ay hindi siya marunong magpatawad sa mga makasalanan.
Ngunit kakaiba ang mission niya, sa isang nephilim na kaniyang nakilala, ang kaniyang kapatid na si Azakael ay naging makasalanan dahil sa pag-ibig nito sa isang nephilim sa pag-aakalang nais lamang ng nilalang na iyon na sugpuin ang mga kagaya niyang puti ay nagkamali siya sapagka't nakita nito ang pagmamahalan ng dalawa. Isang iyong totoo at tunay.
Dumating ang ilang libong taon nakilala niya ang supling nilang dalawa. Si Lory Antonio. Ang anak ni Azakael sa isang nephilim ubod ito ng kalokohan at ang utos sa kaniya ay sugpuin at patayin ang lahat ng bunga ng mga makasalanan. Nang mga dating anghel sa mga tao o nephilim at kaniyang napagtanto na hindi man lang ito natatakot sa kaniya.
Natural na iyon sa mga kagaya ni Lory alam iyon ni Ariel walang kinatatakutan ang mga nephilim.
Dumating ang tunggali sa pagitan ng puti at itim, ng mabuti at masama.
Ang digmaan.
****
Kung saan natutunan na ni Lory na mahalin si Ariel at tsaka ito nawala. Sa pag-aakalang hindi na kailanman magtatagpo ang kanilang landas ay tsaka muli nila nagtagpuan ang isa't isa.
Ngunit may magbago na, si ARIEL ay hindi na isang puti kundi isang na rin na kung maituturing na kagaya niya.
Dahil sa kanilang pag-ibig ito ang naging resulta ng lahat. Isang pinagbabawal na pag-ibig ngunit ano nga ba ang magagawa niya. Ang importante ang kanilang pag-iibigan ay totoo at kasing dalisay ng tubig na agua-bendita.
They promise to love each other until the end of time. Their love maybe wrong---but they change everything---now there love brings spark and light in the dark of night.
BINABASA MO ANG
Immortal
FantasyIsang nephilim at anghel paano nila ipinaglalaban ang pag-ibig na isang ipangbabawal. When the dark meet her light and they bring spark from the dark of night. Ariel and Lory 'The Immortal.'