Prologue

7 3 0
                                    

Ang ano mang pagkakatulad, bagay, tao, lugar o pook, ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Ang anumang pagkakatalud ng bawat pangyayari ay nagkataon lamang. Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang ng manunulat at walang bahid katotohanan.

Ang sinumang magnanakaw ng estoryang ito ay may tamang parataw na parusa.

*No Copyright infringement, and Plagiarism is a crime*

DON'T FORGET TO FOLLOW MY ACCOUNT AND HIT THE STAR, TO VOTE MY STORY MGA SIS. ❤❤❤ LOVELOTS ❤


PROLOGUE

Pauwi nang araw na yun si Lory galing sa galaan kasama ang kaibigan niyang si Crystal. Nang magulat siyang bukas ang gate ng kanilang bahay at parang may dumaang bagyo sa kanilang bakuran at may iilang lupa ang natibak at ang kaniyang mga paboritong bulaklak na itinanim mismo ng kaniyang mommy ay sira-sira.

Wala siyang pakialam at mabilis niyang tinakbo ang loob ng bahay.
'Anong nangyayari.' Natatakot man siya ay hindi niya iyon pinairal. Mabilis ang hakbang ng kaniyang paa at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay ng makita niyang walang tao sa sala. At isang mabilis na bagay ang pumuntirya sa kaniya mabilis niya iyon naiwasan at gulat na napatingin sa mabigat at nakasisilaw na bagay.

Isang pana ang muntik na sanang tumarak sa kaniya ng maiwasan niya. Ngayon siya nagtataka kung bakit may lumilipad na silver arrow at muntik na siyang mamatay nito kanina. Lucky to her at lumaki siyang sana'y sa pakikipaglaban sa pagtuturo na rin ng kaniyang ama.

Ngunit nakapagtataka paano iyon nangyari? Saan nanggaling ang bagay na yon?

Mabilis niyang naisip ang kaniyang mga magulang "Mom, Dad? Where are you?" Sigaw niya dito. Ngunit walang kahit na sino ang sumagot at aakma siyang aakyat ng hagdanan papuntang second floor ng kanilang bahay ng biglang may malakas na pwersa ang humawak sa kaniyang bewang at bigla siya nitong itinapon.

Nahirapan man siyang makabangon ngunit mabilis na nawala ang sakit kanina, parang sandali lang at para lang siyang kinagat ng langgam. Ganoon ang pakiramdam non. Mabilis siyang bumangon at pumormang susuntukin ang taong maysala ng bigla pagbalibag sa kaniya, ngunit laking gulat niya na isang matipuno at mukhang body builder ang katawan at iba ang purmahan nito parang nagmula ata ito noong B.C.
At iba ang pormahang mukhang roman soldier na hinugot sa encyclopedia.

"Sino ka?" Tanong niya. Gwapo man ang intruder na ito na akala mo hinubog at nagmula sa lahi ni aprodite ay hindi siya paloloko. Dahil alam niyang hindi siya ligtas. "Sino ka sabi at nasaan ang mga magulang ko. Anong ginawa mo sa kanila." Pag-uulit niya pero tinignan lang siya nito na parang isang leon na handang sunggaban ano mang oras.

"Patay na sila." Sagot nito na hindi pinag-iisipan ang isasagot kung tama o mali. Ngunit sa boses palang nito ay mahihimigan niyang hindi nagsisinungaling ang estranghero.

Naguunahan pumatak ang mga luha niya at tinanong niya ulit ito. Ngunit ganon pa rin ang sagot nito na kaniya at ngayon ay seryoso ang boses nito at may itinuro itong dalawang umpon ng isang abo di kalayuan sa kaniya. Dalawang makapal na parang sinuninog na lupa ang nakikita niya "Yan sila at patay na ang mga magulang mo nephilim." Sabi nito.

"Ano kamo? Pakiulit ng sinabi mo."

Hindi maintindihan ni Ariel kung bakit paulit-ulit ang tanong ng babae gayong matino at malinaw ang kaniyang sagot. Ah! Ang mga tao nga pala ay hindi kagaya ng sa kanila na kapag nawalan ay kailangan tanggapin at magpatuloy sa buhay.

'Mahihinang nilalang.'

Tinignan nito ni Lory ang itinuturo niya at nahabag siya muli, dahil nakikita niya ang isang kumikinang na bagay at alam ni Lory kung ano iyon ang kwentas ng kaniyang ina. Buhay pa man ay parang sinunog na ang mga ito, hindi niya maapuhap sa kaniyang isipan ang dinanas ng mga taong walang-puso at walang kasing sama. At hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa non.

ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon