Nagising ako sa sasakyan, napatingin ako sa labas ng kotse. Maraming tao sa labas, may mga pulis at imbistegador. Napatingin ako sa may sulok ng bahay nang may mga pulis akong nakita at may isang pamilyar na bulto ng lalaki.Pinatigil ko ang nag mamaneho at bumaba, lumapit ako nang lumapit hanggang sa makita ko ang bultong iyon.
"BABYYY!!!" sigaw ng lalaki bago pa ko makalapit.
"Gising!!! akala ko ba hindi mo ako iiwan?!" buong lakas na sigaw nya habbang nahagulgol.
"Papakasalan pa kita 'di ba? Gumising k na baby please!" sigaw ng lalaki habbang niyuyugyog niya ang babaeng buhat nya.
Nang tuluyan na akong makalapit sa lalaki ay saka ko ito namukhaan at nakilala.
"Kenji?" gulat at nagtatakang tawag ko sakanya. Bata pa ang itsura niya, naka unipormeng gusot gusot at puno ng dugo ang pang itaas nito. Hindi pa siya gaanong kamaskulado at katangkaran.
"Sino ka? Doktor ka ba? Pagalingin mo ang nobya ko paki usap! Buhayin mo sya!" sigaw nya sakin.
Nobya? nobya nya ang babae? Sino iyon?
Lumapit pa ako lalo at tiningnan ang babaeng buhat buhat nya at tuluyan ko nang nakita ang mukha nito
Hindi...
Hindi ito maaari...
