HF IV

11 2 0
                                    



Nagligpit ako ng pinagkainan namin, dumeretso sila Akene at Kenji sa salas para manood ng pelikula.

Dumeretso na lamang ako sa kwarto matapos kong mag hugas, napapikit ako nang mahiga ako.

Kahit kelan hindi ko naranasang matulog sa tabi ni Kenji, simula nang malaman nyang buntis na ako.

Noon ay sobrang saya namin ni Kenji, ako lagi ang iniisip nya. Mag kasama kami sa buong araw, nag tatawanan at nagkukulitan. Pag abot naman nang gabi ay saka kami nababalot ng romansa at init ng katawan, hanggang sa mabuntis nya na ako.

Binunga ng pag iibigan namin si Akene, nais ko sana ang Reina ang ipangalan sakanya ngunit ayaw ni Kenji.

Si Kenji ang laging nag aalaga sakanya noong bata pa ito, kahit pa laging may trabaho. Mahal na mahal ni Kenji si Akene,  Sana ako din.

Sana ako yung lagi nyang kasama,

Sana ako yung lagi nyang kakwentuhan,

Sana ako yung lagi nyang katawanan,

Sana ako yung lagi nyang kayakap,

Sana ako na lang,

Sana ako na lang ulit.


A/N: *cries

Happy FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon