"Magandang umaga. Isang hindi kilalang dalagita ang natagpuang patay malapit sa tambakan ng basura. Ang hinala ng mga residente ng Calle Cisopio ay isang reporter ang nasabing biktima--"
Tiningnan ko ang switch namin kung kumusa nanaman bang bumaba. Palagi nalang kasing nagloloko kaya ang hirap manood, pasara-sara.
"Wala ka bang balak na i-welcome ako?" napaurong ako ng ulo at binalingan ang lalaking nakatayo sa likod ko at hawak ang remote. Napairap ako. Kaya naman pala sumara ang tv.
"Ang aga-aga nandito ka nanaman! hindi ba magagalit ang asawa mo niyan?" bungad ko sakaniya. Tumayo ako para bunutin ang saksak tsaka ako naglakad papunta sa kusina. Sumunod naman siya sakin.
"Hindi ko siya asawa." Walang gana siyang umupo sa mesa at pumangalumbaba. Tiningnan ko muna siya bago ako nagtimpla ng kape.
"Eh, bakit mo inuwi kung hindi mo asawa? tigilan mo ako jumanji!"
"Stop calling me, jumanji. Nakakawala ng pagkalalaki." Natawa ako sa sinabi niya.
"At nakakadagdag ba ng pagkalalaki kapag nag-uwi ng babae tapos pagsasawaan din?" inilapag ko sa harap niya ang isang tasa tsaka ako umupo sa harap niya. Inikutan niya ako ng mata kaya inambahan ko siya ng suntok.
"Hindi ko siya pinagsawaan. Nakakasawa lang talaga siya." Pagdadahilan niya pa. Nako talaga 'tong lintek na 'to.
"Alam mo, kung 'di kita kaibigan? nako!" sumimsim ako sa kape ko nang hindi inaalis ang tingin sakaniya.
"Kaya nga ako laging nandito. Mabuti nalang wala lagi sila tita kundi buryong na buryong ako lagi dun sa bahay."
"Ano nanaman ba kasi ang nangyari? ketanda tanda mo na hindi mo parin na-hahandle 'yang asawa mo!" hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha bago ako tiningnan.
"Alam mo namamg buntis siya 'diba? masyado siyang maarte, lahat nalang ng gusto niya dapat nakukuha niya!" binato ko siya ng dalandan na nahawakan ko kaya maagap siyang umiwas.
"Eh gago ka pala, eh. Mahilig ka lang sa babae pero wala kang alam! buntis yun kaya magke-crave yun! maglilihi 'yon!" frustated na angil ko sakaniya. Napapakurap siya sa bawat salita ko dahil wala akong tigil sa pag amba.
"Walang lihi lihi sa'kin! kahit ikaw pa 'yan walang ganon ganon!" malakas ko siyang binatukan. Nakaka-stress! ang aga aga!
"Matalim ka lang tumusok! nagiging mapurol kana kapag obligasyon! magpakalalaki ka nga! tahimik buhay nung tao tapos liligawan mo, e'di sana hindi mo ginulo!" asar akong tumayo at pumasok ng cr.
Literal na kakagising ko palang kaya hindi pa ako nakakapaghilamos. Bumalik din ako sa harap niya na problemadong problemado. Kita mo 'to, mahilig lang sa jugjugan pero wala namang amor kapag responsibilidad na. Ang ayoko sa lahat!
"O ano? kunwari ka pang may iniisip 'di mo naman ginagamit." Masama ang tingin na ipinukol niya sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Napaka grabe mo naman magsalita. Syempre iniisip ko kung pa'no ko siya maibabalik sa magulang niya!" inilapit niya ang mukha niya sakin na biglang lumiwanag.
"Ano nanamang naisip mo?" walang reaksyon na tanong ko. Kapag ganyan 'yan paniguradong walang kwenta ang nasa utak.
"Naisip ko lang...ipalaglag kaya namin tapos--"
"JUMANJI!" malakas na sigaw ko matapos ko siyang paluin ng diyaryo.
"Ba't ka ba namamalo?"
"Sinabi ko na nga ba at kalokohan nanaman ang iniisip mo! inisip mo lang pero 'di mo inintindi!" kumamot siya at nakasimangot na ininom ang kape. Mabigat ang paghinga ko kaya marahas kong inabot ang tasa ko at humigop ng marahas. Napangiwi pa siya sa tunog ng higop ko.
"O bakit? nakakadiri sa pandinig 'no?" inirapan ko siya tsaka ako nakapangalumbaba na tumingin sa labas ng bintana. Napangiti ako. Biyernes ngayon kaya no work. No work no stress at no stress happy ang buhay!
"Dapat ikaw nalang binuntis ko." Ay punyeta. Kakasabi ko palang na no stress, eh.
"Baka pinutulan na kita ng bayag!" tinawanan niya lang ako. Pinilit ko siyang pauwiin na kasi gusto ko pang matulog. Kapag ganitong wala akong poproblemahin sa trabaho, masarap matulog.
"Iuwi mo 'yan! pakainin mo ng maayos tukmol!" malakas kong sinara ang pinto tsaka ako pabagsak na umupo sa sofa. Inabot ko ang cellphone ko para i-turn off nang makatanggap ako ng email galing sa station.
Napairap ako at frustated na tumingin sa kisame. Trabaho 'yan, Atlanti, be kind. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang email. Napakunot noo ako nang makita ang pangalan ni Marufo Kushida kaya agad kong tinawagan ang partner ko.
"Oh?" walang kwenta niyang bungad.
"Anong 'oh?' tukmol ka? bakit nasa email si Marufo?" barumbadong tanong ko.
"Ano bang dahilan kung bakit tayo may email? malamang sasaliksikin mo 'yan at ibabalita mo. Paurong na side 'yang darling mo kaya goodluck!"
"Teka--" inis kong tinapon ang phone sa kabilang sofa. "Lintek na buhay to, oo. Mapapansin niya nga ako, magagalit naman siya! punyeta!" papadyak padyak akong umakyat sa hindi kataasang kwarto ko at naligo.
Ano pa bang magagawa ko kundi gawin ang trabaho ko? wish me luck! major turn off ako ngayon kay darling!
BINABASA MO ANG
Taunted and Owned
RomanceIsang matapang na reporter. 'Yan ang tingin kay Atlanti ng ilan, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay isusugal niya ang imaheng iyon para lang mailigtas ang magulang niya. Marufo is her only idol that makes her life wonderful, pero dahil sa kaniya...