"Ano?!"
"Ba't ka sumisigaw?" inis na sinabunutan ni Julio ang buhok niya tsaka umikot sa mesa. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko tsaka sumilip sa salaming pader at tiningnan ang baba kung saan nakatayo si Jumanji at nakasandal sa sasakyan niya.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya na stress nang binabasa ang folder.
"Bakit ngayon pa? bukas na ang reporting tapos ngayon mo lang sinabi sa'kin?" halos maiyak na siya sa harap ko. Iniwas ko ang paningin ko. Sadyang hindi ko sinabi ng maaga para hindi matuloy. Matapos akong pakiusapan ni jumanji at sabihing idadamay ng walanghiya niyang kakambal ang parents ko, tuluyan ko nang sinuko ang balita.
I know, napaka iresponsable ko sa part na'yon, pero hindi ko naman hahayaan na madamay ang magulang ko.
Nakakainis! akala ko hindi niya ako gagalawin at sasaktan! nung biyernes pa nagdadalamhati ang durog kong puso dahil sa pananampal niya sa'kin. Imagine? five years ko siyang idolo tapos gaganunin niya lang ako? unfair!
"Please naman, isang oras lang bukas, ako na ang bahalang magbayad ng ticket mo sa eroplano," pagmamakaawa niya. Putakte, kahit naaawa ako sakaniya, hindi ko pwedeng bawiin ang oo ko sa kambal.
"Mamaya na ooperahan si mom, hindi pwedeng bukas ako aalis." Frustrated niyang ginulo ang buhok niya. Idinahilan ko kasing susunod ako sa Canada dahil ooperahan si mom. Totoo naman na may sakit siya, pagsisinungaling nga lang na ooperahan na siya.
Ilang oras pa niya akong sinubukang pakiusapan, pero wala na siyang nagawa kaya mabilis akong lumabas ng station.
"Akala ko naging yelo kana sa loob, eh." Inirapan ko lang siya tsaka ako sumakay sa sasakyan. Mabilis din siyang umikot sa driver's seat bago pinaandar ang sasakyan.
"Bakit kailangang nandun ako?" tamad na tanong ko habang nakatingin sa labas.
"Dad wants to talk to you. Ikaw lang ang last chance nila para hindi sila mabuking." Tiim bagang akong tumingin sakaniya.
"'Wag mong sabihing ipapakasal ako kay Marufo?" tumawa siya sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa harapan dahil nagda-drive siya.
"Hindi ako spoiler." Inirapan ko siya. Nanahimik nalang ako habang pinapanood ang dinadaanan namin. Ilang minuto pa nang puro na malalaking bahay ang nadadanan namin. No doubt, sobrang yaman nga ng pamilya nila.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking glass na bahay. Halos yata ng bahay ay may makapal na salamin kaya kitang kita ang magagarang gamit sa loob. Marami ang nakatayong bodyguard na mukhang goons dahil sa suot nila.
"Magandang umaga, senorito," bati sakaniya ng matandang babae. Nginitian ko siya kaya sinuklian niya 'yon bago niya kami nilagpasan.
"Welcome to our humble house, Ms. Cessoso." Napangiwi ako nang batiin ako ng daddy nila. Ang bantot ng apelido ko punyeta. Hindi nalang ako nagsalita tsaka kami sumunod sa likod nila kung nasaan ang malaking pool, sa unahan naman nakaupo ang dalawang tao na nakapagpaikot nanaman ng mata ko.
Naglakad kami palapit do'n tsaka ako pinaghila ni jumaji kaya naupo ako. Sa harap ko ay ang dalawa, si Marufo na seryosong nakatingin sa wine niya at si Sofis na kung makapulupot akala mo ahas.
"Thank you for accepting my invite, Ms. Cessoso." Napangisi si Sofis sa sinabi ni Mr. Kushida.
"How cute your surname is," parang pokpok ang tonong sabi niya.
"Alam kong pangit ang apelido ko, 'wag lang plastik." Umawag ang bibig niya sa sinabi ko, pero hindi ko na siya pinag aksayahan ng atensyon dahil masama ang pinukol na tingin sakin ni Marufo.
"Watch your words or I will cut your tounge," malamig na sambit niya. Tinaasan ko siya ng kilay na nakapagpa igting ng panga niya. Ang pogi punyeta.
"So, let's talk about your marriage first." Mabilis akong tumingin kay Mr. Kushida.
"Marriage? ako ikakasal?" hindi makapaniwalang tanong ko. Narinig ko pa ang singhal ni Sofis pero pinanatili ko ang tingin sa matanda.
Nagpunas siya ng bibig bago ako hinarap ng nakangiti. "This is your punishment for trying to put Sofis' life in danger."
"Teka--hindi ko maintindihan. Ikakasal ako bilang punishment? eh, parents ko nga hindi dinidiktahan ang pagjojowa ko!" marami akong gustong sabihin at itanong pero yun ang unang lumabas sa bibig ko.
Ngumisi ang matanda bago kinuha ang maliit na kutsilyo sa gilid ng pinggan niya. Marahas niya 'yong tinusok sa mesa tsaka ako masamang tiningnan. This time ay napaurong ako ng bahagya, pareho sila ni Marufo kung tumingin.
"Your parents won't really dictate you once I kill them." Lihim kong ikinuyom ang kamay ko sa ilalim. Naramdaman kong hinawakan 'yon ni Legor pero hindi ko siya tiningnan.
"You know I can sue you for threatening my parent's life," seryosong sambit ko. Hindi ako natatakot sakanila, pero dahil damay ang magulang ko ay hindi ko mapigilang mag alala.
Ngumisi siya bago ibinaba ang kutsilyo.
"Let me tell you an honest words. I can pay." Tuluyan na akong napatayo sa inis.
"Bakit kailangang ako pa, ha?! pwede niyo akong patayin tulad ng pagpapapatay mo sa kasamahan ko!" sobrang bigat na ng paghinga ko pero lahat sila ay kalmado na parang wala lang sakanila.
"Naisipan ko narin naman 'yan. But that won't save Sofis' life." Gigil kong tiningnan ang punyetang babae na nakangisi sa'kin.
"At bakit ko ililigtas ang buhay ng malanding 'yan?" nakatanggap ako ng malakas na sampal mula kay Marufo.
"Fuck! don't hurt her!" itinago ako ni Regor sa likod niya. Casual na umupo si Marufo na akala mo ay normal lang ang ginawa niya. Hindi ko mapigilang bumigat ang dibdib. Ang makitang may nakapulupot sakaniyang babae ay masakit, pero mas masakit na kaya niya akong saktan ng gano'n gano'n lang.
"Easy. Please take a seat," mahinahong sambit ng matanda.
"Uuwi na ako." Nagsimula na akong maglakad nang paputukan ako ng baril ng walanghiya kong idolo.
"If my dad told you to seat, you have to seat." Maluha luha ko siyang tiningnan. Sobrang sama ng loob ko.
"Kapag sinabi kong ayoko, ayoko." Tuluyan na akong lumabas ng bahay nila at inis na naglakad palabas ng private subdivision.
"Atlanti!" tumigil sa gilid ko ang sasakyan ni Regor tsaka siya bumaba at niyakap ako.
Hindi ko na napigilang umiyak. Sobrang sama ng loob ko. Ni hindi ako masaktan ng magulang ko pero yung lalaking ilang taon ako nagpapapansin, ganun nalang ako kung saktan.
"Stop crying, Atlanti." Sinuklay niya ng marahan ang buhok ko.
"Help me, jumanji," humahagulgol na pakiusap ko. "Natatakot ako para sa magulang ko." Umiling siya.
"I'll try to talk to them, okay? hush now." Hinila niya ako papasok ng sasakyan tsaka niya ako hinatid sa bahay. Sinamahan niya ako ng ilang oras hanggang sa makatulog ako.
BINABASA MO ANG
Taunted and Owned
RomanceIsang matapang na reporter. 'Yan ang tingin kay Atlanti ng ilan, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay isusugal niya ang imaheng iyon para lang mailigtas ang magulang niya. Marufo is her only idol that makes her life wonderful, pero dahil sa kaniya...