"Ack!" mahinang daing ko nang maramdaman ko nanaman ang mabigat na kamao sa tiyan ko. Nakailang ulit pa 'yon bago ako tinigilan ng tatlong lalaki.
Nakayuko lang ako at dahan-dahan ang paghinga kahit gusto ko nang bilisan. Sobrang sakit ng kalamnan ko pati ang gilid ng labi ko.
"Ngayon ka magyabang, bitch." Narinig ko ang matinis na boses ni Sofis sa bandang dulo. Nakasandal siya sa mesa at mataray akong pinapanood.
Nag-igting ang panga ko. Tama nga ako, mas maganda ako kesa sakaniya, pwe! Ngumisi ako kaya agad sumama ang tingin niya sa'kin. Maarte siyang lumapit saka ako sinabunutan.
"How dare you smirk at me?!"
"Pwede ba, ang pangit ng boses mo kaya manahimik ka." Hirap na hirap kong sambit. Sige lang Atlanti, maghukay ka ng mas malalim na libingan mo.
"Panget, ha?! are you referring to yourself?!" maarte nanamang angil niya habang tinutusok ng mahaba niyang kuko ang pisngi ko. Punyeta ang sakit!
"Enough." Pakiramdam ko ay nanindig lahat ng balahibo sa katawan ko, pati sa baba! Ang lamig ng boses niya.
Tinapunan niya ako ng tingin saka kumuha ng baril sa mesa para lagyan ng silencer. Katapusan ko na ba talaga 'to? sana pala pinatulan ko na si jumanji! pogi naman ang bulateng 'yon, eh!
Hindi ko naitago ang panginginig ko nang maglakad siya palapit sa'kin. Ngumisi naman si Sofis saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib niyang bra lang ang nagpapalaki.
Hinawakan ni Marufo ang baba ko kaya nagtagpo ang mata naming dalawa. Walang emosyon ang mata niya na para bang walang pakialam sa mundo. Pinaglihi yata 'to sa galit na emoji.
"I told you, don't test me." Malamig ang boses niya at hindi pinupunit ang tingin sa'kin. Siguro kung wala ako sa sitwasyong 'to, kinindatan ko na siya. Napakapogi ng darling ko na'to!
"Sinabi mo na sa'kin 'yan kanina sa bahay, remember?" pang aasar ko. Narinig ko pa ang tawa ni Sofis na parang hindi makapaniwala na nakakapagbiro pa ako. Siya lang pwede?
"You'll be erased in this world, bitch." Malamig na usal niya, inis na sa'kin. Napatayo ng tinig ang mga kelekoy nila na lahat nakasuot ng itim nang marinig ang sinabi niya. Anong pangalan ng dance troupe n'yo mga koya?
"Pano 'yung erase?" malakas na sampal ang binigay niya sa'kin kaya namanhid ang pisngi ko. Ginalaw ko ang labi ko, pero hindi ko maramdaman.
Ilang segundo bago siya nagsalita.
"I can spare your life, drop the news." Malamig na sambit niya. Napairap ako.
"Pwedeng 'wag kong ilabas, pero hindi titigil ang station ko." Buwisit niyang ginulo ang buhok niya. Kahit guluhin mo pa 'yan, pogi mo parin!
"Tell me, how can you stop the news?" may bahid na ng pakiusap ang tono niya pero ang mata niya, blangko. Walang pakialam ko siyang tiningnan.
"I can't stop the news." Tinutok niya sa'kin ang baril. Hindi naman ako natatakot, psh. Kung oras ko na, oras ko na. Kung hindi naman, e'di hindi, basic.
"What the fuck is your problem? lahat nalang pinapakialam niyo!" gigil na sambit ni Sofis kaya napairap ako. Seryosong usapan lang, ha? ang pangit talaga sa pandinig ng boses niya.
"Let's make a deal. Drop the news and I will spare your life." Malamig na utos ni Marufo. Hays, ilang irap pa ba ang iirapin, o giliw ko~ kakasabi ko lang na hindi ko kayang pigilan ang balita, pero napakakulit ng lelang!
"Kakasabi ko lang na hindi ko mapipigilan, remember?"
"And I told you I will kill you if you don't." Balik niya.
"Go, as long as it pleased you." Walang pakeng sagot ko. Nag igting ang panga niya sa galit bago ikinasa ang baril at mabilis na tinutok sa'kin. Tumingin ako sa taas para ipakitang wala akong pake.
Ilang minuto pa nang biglang pumasok ang lalaking kilalang kilala ko.
"Langya, sabi ko na nga ba!" mabilis siyang lumapit kay Marufo at ibinaba ang baril.
"What are you doing here, dumbass?" malamig na tanong sakaniya ni Marufo.
"Anong anong ginagawa ko dito? hindi matutuwa si dad sa gagawin mo." At oo, kapatid ni jumanji si Marufo.
"I'm protecting Sofis, wala akong pakialam sa matandang 'yon." Mabilis niyang ibinalik ang pagkakatutok ng baril sa'kin kaya ibinaba nanaman 'yon ni jumanji.
"Meet him later together with her, malalaman mo ang dapat mong malaman." Mabilis niya akong kinalagan tsaka hinila palabas.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas nang paputukan niya kami kaya inis akong napatakip sa tenga ko at marahang humarap sakaniya. Masama ang tingin niya at hindi natutuwa. Malamang.
"I will kill you once you spread the news, mark my words." Malamig na sambit niya bago ko siya inikutan ng mata at tinalikuran.
Whatever, Marufo.
BINABASA MO ANG
Taunted and Owned
RomanceIsang matapang na reporter. 'Yan ang tingin kay Atlanti ng ilan, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay isusugal niya ang imaheng iyon para lang mailigtas ang magulang niya. Marufo is her only idol that makes her life wonderful, pero dahil sa kaniya...