Kinabukasan ay pumasok agad ako sa trabaho. Nagulat pa si Julio dahil one week ang paalam ko.
"Akala ko ba one week? bakit nandito ka?" napairap ako. Kanina pa paggising ko masakit ang ulo ko. Wala sana akong balak magtrabaho ngayon pero baka matambakan ako ng isasaliksik.
"Maaga akong pinauwi ng parents ko," walang ganang sabi ko.
Dumiretso ako sa pwesto ko at agad binuksan ang computer ko. Napairap nanaman ako nang umupo siya sa tabi ko habang nakatukod ang kaliwang siko sa mesa.
"At bakit ka naman pauuwiin ng maaga kung aalagaan mo dapat ang mommy mo?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Pwede bang mamaya mo na ako kausapin? masakit ang ulo ko, Julio." Hinimas ko ang sentido ko habang nakapikit.
"Mmm. Okay okay. Pero pumunta ka muna kay boss." Dumilat ako para tingnan siya.
"Bakit?"
"May dumating na papers kanina bago ka dumating. Sayo daw 'yon." Magtatanong pa sana ako kung kanino galing pero mabilis siyang umalis.
Mabigat ang katawan akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa opisina ng pinakaboss namin. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Oh, nakabalik ka na. Here's the papers." Inabot niya sa'kin ang brown envelope nang hindi ako tinitingnan. Kinuha ko 'yon at tumalikod na. Aalis na sana ako nang magsalita siya.
"After reading the papers, you can clean your table." Hindi na ako nag-aksya pang tumingin at agad nang lumabas.
Hindi ko na kailangang linisin ang mesa ko. Hindi ako makalat na babae.
Nang makabalik ako hinilot ko ulit ang sentido ko bago buksan ang envelope.
Napaayos ako ng upo nang makita ko ang nakasulat.
Mabilis akong tumayo at bumalik sa office ni boss.
"Anong ibig sabihin nito?" walang pakundangan kong tanong nang makapasok ako.
Kunot-noo naman siyang nagtaas ng tingin sa'kin.
"Is it hard to understand?"
"Boss! bakit naman ako sesesantihin? anong ginawa ko?" dumaan sa isip ko ang binigay kong balita kay Julio na ako dapat ang gagawa pero hindi naman sapat na dahilan 'yon!
"By the way, you can call this number if you have questions." Inabot niya ulit ang black na calling card na pamilyar sa akin. Kinuha ko 'yon at tiningnan ang pangalan.
Agad nag-igting ang panga ko sa inis.
Marufo
"At bakit ko siya tatawagan?" nakataas na ang kilay ko sa inis. Punyeta masakit ang ulo ko tapos ito ang bubungad sa'kin? alam kong napakababaw na dahilan na dinadamay ko ang trabaho ko sa sama ng pakiramdam ko pero ang unfair na paaalisin ako sa trabaho ko ng dahil sa-argh!
"Call him." Hinampas ko ng hawak kong envelope ang mesa niya pero hindi siya natinag.
"Nagpabayad kayo? nadala kayo sa pera? ano to, kasabwat ka?" alam kong boss ko siya pero hindi tama ang ganito!
Ngumisi siya bago umiling. Tumayo siya ng nakapamulsa.
Tulad ni Marufo ay may maganda ring pangangatawan si Sir Jayvee. Halos ka-edaran niya na.
Tumigil siya sa harap ko bago ako tinitigan ng nakangiti.
"Kung alam ko lang na sa'yo ibibigay ni Julio ang report, sana ay hindi ko na ibinigay sa team niyo." Naglakad ulit siya at bumalik sa upuan niya. "Pasensiya ka na, Atlanti. Wala na akong magagawa."
BINABASA MO ANG
Taunted and Owned
RomanceIsang matapang na reporter. 'Yan ang tingin kay Atlanti ng ilan, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay isusugal niya ang imaheng iyon para lang mailigtas ang magulang niya. Marufo is her only idol that makes her life wonderful, pero dahil sa kaniya...