Chapter 3: Rock the Boat, Baby!

656 38 13
                                    

LUMAPIT sa akin sa Alonzo at nakangiti pa rin. Ipinatong nya ang palad nya sa matikas kong dibdib.

"Gusto lang kitang bigyan ng welcome tour, Kenneth." Ani Alonzo. "Sorry if we started off on a wrong foot. I'd like to make amends, if you don't mind."

"Ha, eh, OK na naman ako, Alonzo." Sagot ko. "Di mo naman kailangang gawin yan."

"But I insist." Ani Alonzo. "Ready na ang speed boat ko at nagpaluto na rin ako ng lunch natin. Don't tell me, tatanggihan mo ang free island hopping tour?"

Wow! Island hopping! Isipin mo nga naman: hindi pa nga pala ako nakapasyal simula nang dumating ako dito. Ang dami kasing pinapagawa sakin ni Charles.

"Gusto ko sana, pero baka kailanganin ako ni Charles." Ani ko.

"No he won't." Confident na sagot ni Alonzo. "Bayad na ang daily rate mo. Ako ang magpapasahod sa'yo today."

"Naku, wag na. OK na yung libreng pasyal!"

"It's OK. Professional lang ako. I'll pay you." Ani Alonzo. "Go change. Mag board shorts ka."

Dagli naman akong lumapit sa closet at dumampot ng board shorts. Hinubad ko ang suot kong khaki shorts at napapihit ako patalikod kay Alonzo dahil mabukol pa ang harapan ng white briefs ko. Kanina pa semi-erect si utoy, ba nama'y nakatikim na naman ng tahong!

"Nice butt!" Sambit ni Alonzo mula sa likod ko. "Oh, don't tell me na naka brief ka while on your board shorts?"

Jerk! Sa isip-isip ko. Na assess na ko ni Charles. Mukhang si Alonzo gusto ring ma check ang market value ko. Fine. Pagbigyan natin.

Hinubad ko ang briefs ko at mabagal na nagsuot ng board shorts. Sinadya ko yun para mas matitigan nya ng matagal ang pwet ko. Tapos ay kumuha ako ng sando at nagbihis na.

"Let's go?" Tanong ko.

~~~

ISANG oras mahigit halos ang biniyahe namin by boat mula sa Bancal port bago kami makarating sa unang isla.

"Welcome to Gigantes." Ani Alonzo. "Pulupandan Islet ang tawag dito."

Iginala ko ang mata sa paligid ng maliit na isla na una naming hinintuan. May ilang tao rin na naroroon.

"Pwede kang mag take ng pictures." Ani Alonzo.

"Wala akong phone." Nakangiti kong sagot.

"Oh, yeah, oo nga pala. Sorry."

After sa Pulupandan ay marami pa kaming pinuntahang isla. May isang isla doon na may inakyat kaming kawayang hagdan, at sa tuktok noon ay kita mo ang lawak ng paligid sa ibaba; meron ding isla na may sandbar; meron ding lagoon.

Nang medyo tanghali na ay huminto kami sa isang isla at doon kami nananghalian. Dito pala yung sinasabi nyang nagpaluto na siya. Kanina ko pa kasi hinahanap sa banka yung pinaluto niya.

For a rich kid like Alonzo, medyo nanibago ako na sanay syang kumain sa gantong lugar. Hindi kasi ito kasing gara ng Floating Paradise.

Isa lamang itong simpleng kubo. May isang grupo ng turista na kasabay namin manananghalian pero nakahiwalay naman ang mesa namin. Naghain sila ng sinabawang manok, pritong isda, at scallops.

"Kain na." Pag-aalok ni Alonzo, napansin nya kasing may ilang minuto na rin akong nakatitig sa nakahain samin. "Don't tell me hindi ka kumakain ng ganyan."

"Ha, hindi sa ganon..." Pero di na ko nagpaliwanag. Kumain na rin ako.

"Isa ito sa mga contacts ko." Pagpapaliwanag ni Alonzo habang ganadong-ganado sa pagkain. "Dito ko gustong kumain kasi lutong bahay. Maraming resto dito pero mas gusto kong matikman mo yung authentic cooking."

The Rich Kids of Coastal AreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon