Chapter 6: A Rich Kid's Bid

821 16 33
                                    


SA mga tingin pa lang ni Charles kay Lance ay walang dudang gusto na niya itong saksakin ng hawak nyang dinner knife. Sa kabilang banda, Lance was able to stay chill. Nakakaloko ang mga ngisi niya at ni hindi man lang siya kinakabahan sa maaring gawin ni Charles ano mang oras.

"Ah, Lance, pahangin muna tayo?" Ako na ang nag-volunteer na ilabas si Lance. Pakiramdam ko kasi ay may gusto pa syang sabihin kaya inunahan ko na sya.

Hindi naman mahirap kausap si Lance. Dagli siyang tumayo sa kinauupuan niya at sumunod sa akin.

"Bakit naman kasi tayo lumabas?" Tanong ni Lance nang nasa labas na kami. "Ang saya pa naman sa loob."

"Ikaw lang ang nagi-enjoy." Seryoso kong sagot. "Gigil na gigil na si Charles sa'yo."

"Bakit naman kay Charles ka lang nakatingin?" Balik sakin ni Lance. "Hindi mo ba nakita kung paano tumingin si Alonzo sa'yo?"

"What do you mean?"

"Magkababata kami ni Alonzo kaya alam ko kung anong mga secrets meron sya. Noong mga bata-bata pa kami ay maraming beses din akong nadale ng kinakapatid ko na yan, hahahaha!"

I know gusto nyang gawing joke yung childhood memories niya with Alonzo, pero hindi ako natawa. Matapos nang ginawa ni Alonzo sakin ay ayoko nang makarinig ng mga bagay-bagay tungkol sa kaniya. Tinanggal ko na rin ang relo na bigay ni Alonzo. Ngayon kasing sinabi ni Lance na iba ang tingin ni Alonzo ay parang naging creepy ng dating. Pero ano kayang ibig nyang sabihin sa nadale? Katulad kaya ng pagkakadali sakin?

Naglabas ng yosi si Lance at inalok ako ng isa kaya di naman ako tumanggi. Pareho lang kaming nakatingin sa malayo habang tahimik na hinihithit ang mga sticks namin.

Naantala ang katahimikan naming dalawa nang marinig namin sa di kalayuan ang mga pamilyar na boses ng magkapatid na sina Jordan at Jericho na nagyoyosi break din. Nag-uusap sila tungkol sa susunod nilang raket pagkatapos ng pag sideline sa event na to as waiters, kaya napatingin ako kay Lance. Alam kong perfect timing na to para sa kaniya.

Ewan pero sa ngisi na yon ni Lance ay sure ako na gusto niyang ituloy ang balak niyang alukin ng trabaho ang dalawa para ma "interview". Umiling ako para sabihing wag niyang gagawin yon --- na wag syang lalapit sa magkapatid. Bilang sagot ay ibinato niya sa sahig ang yosi niya at inapakan ito upang patayin ang baga, sabay pihit papunta sa direksyon nina Jordan at Jericho.

"Lance, pare!"

Humabol ako upang awatin si Lance. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Kasalanan ko kasi to. Dahil sa kadaldalan ko ay nakakakuha na siya ng clue.

"Jordan!"

Natigilan ako.

Natigilan din sa paglalakad si Lance.

Mula sa kung saan ay sumulpot si Charles. Sa kaniya galing ang tinig na tumawag kay Jordan. Kasunod niya si Alonzo.

Nagkatinginan kami ni Alonzo at nang lingunin ko si Lance ay nakatingin ito kay Charles.

Ayos to ah: Charles versus Lance, tapos me versus Alonzo --- at ang premyong pinaglalabanan ay ang loyalty ng magkapatid na sina Jordan at Jericho.

"Ahh, Jordan." Sinubukan kong agawin ang atensyion ng mas nakakatanda sa dalawa. "Pwede nyo na ba akong turuang mamalakaya sa bukas?"

"Ha, eh, may raket kami bukas, Kenneth." Sagot ni Jordan. "Pero puwede naman sa Lunes. Bakante kami ni Jericho. Diba, tol?"

Tumangu-tango naman si Jericho bilang pag sang-ayon.

"Pero sayang no?" Nagulat ako sa biglang pagsabat ni Lance. "May raket na pala kayo bukas. May offer sana ako sa inyong dalawa..."

"Jordan..." Pinutol ni Charles ang sasabihin ni Lance. "Parang hinahanap na kayo sa loob?"

The Rich Kids of Coastal AreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon