Chapter 1: The Floating Paradise

787 29 13
                                    

CARLES, N. ILOILO - today, I separate myself from the world na nakasanayan ko.

Tahimik sa bayan na to. Sariwa ang hangin. Malayo sa ingay ng Resettlement Area. Kung may pagkakahawig man ito sa lugar namin, iyon ay ang kitang-kita rin dito ang kaibahan ng mayaman sa mahirap.

Pero para sa karamihan ng tao dito, kung mukha kang mayaman, isa lang agad ang una nilang iniisip: turista ka sa lugar na to.

"Toh, diin ka makadto?"

Napangiti ako sa malambing na tono ni kuyang tricycle driver. Isa lamang sya sa mga lalaking nakapila dito sa terminal.

"Ayos lang po." Nakangiti kong sagot. Tinatanong nya kasi ako kung saan ako pupunta. "May susundo po sakin."

Kinuha ko ang maliit na piraso ng papel na nakatago sa walet ko at naghanap ng malapit na tindahan para makitawag.

Maya-maya pa ay may dumarating nang sasakyan - isang malaking van at bumaba ang mestisuhing lalake na halos ka-edad ko lang.

"Kenneth, my handsome cousin!" Bulalas nito sakin sabay bro hug.

"Charles!" Tinapik-tapik ko ang likod nya habang magka bro hug kami.

"Tangina ka! Di ka talaga nagdala ng cellphone. Buti walang aberya sa biyahe mo." Aniya.

"Kumpiyansa kasi akong makakarating dito ng maayos."

~~~

"THIS is your bedroom, cuz. Pahinga ka muna." Masayang pahayag ni Charles habang nililibot ko ang mga mata ko sa maluwang at maaliwalas na silid. "Welcome to Iloilo, cuz!"

"Thanks!" Sagot ko.

Hinagis ko ang bag na dala ko sa kama at naghubad ng suot kong t-shirt. Maghuhubad na rin sana ako ng cargo shorts nang mapansin kong hindi pa pala lumalabas si Charles at nakatingin pa sakin.

"Yes?" Tanong ko.

Ngumiti si Charles. "Great body, cuz!"

"Ahaha! Batak kasi sa basketball."

"Baba ka na lang for lunch. If you want to take a shower, may sariling banyo tong room mo."

Lumabas na sya at sumunod naman ako para isara ang pinto. Tapos non ay nag dive na ko sa malambot kong higaan.

HAPON na nang magising ako at halos palubog na ang araw pagsilip ko sa bintana. Agad kong kinuha ang dala kong bath towel sa bag ko at dumerecho sa banyo para mag shower.

Ilang minuto pa ay lumabas na ako ng banyo. Nakapatong lang ang towel sa balikat ko, ako lang naman ang tao. Ipinatong ko ito sa malapit na rack at lumapit sa bag ko upang maghanap ng susuotin.

"Hmm, feeling sexy today." Sa isip-isip ko sabay dampot ng pulang hipster brief. Aktong isusuot ko na ang brief ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya dagli kong naitakip ang brief sa harapan ko.

"Uhhmm, it's almost dinner..." medyo nailang din si Charles sa inabutan nya. "sabi ni mommy, gisingin na kita since pinayagan ka nya mag skip ng lunch to get some rest."

"Sige, cuz, susunod na ko..."

"Ok." Ani Charles pero nakatayo pa rin sya sa pwesto nya at nakatingin sakin.

"Charles?" Pinandilatan ko sya ng bahagya.

"What?" Sagot niya. "Sige na magbihis ka na. Sakin ka pa ba mahihiya?"

"Sabagay..." Tumalikod na lang ako para isuot ang brief ko.

"Tight buns!" Sambit ni Charles.

Lihim akong napangiti. Ganun din ang sinasabi ni Rommel sa pwet ko. Matambok kasi. Napaisip tuloy ako kung bakla ba tong pinsan ko. Tignan ko nga.

The Rich Kids of Coastal AreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon