1.Ultimate Crush

3.1K 61 3
                                    

Sa university, habang naghihintay ng next class period si Tina. Malalim ang kanyang iniisip. Nakatitig ang dalaga sa kanyang mumurahing android phone pero wala dito ang kanyang isip. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi ng doctor tungkol sa sakit ng kanyang ina.

"Hoy Tintin. Titig na titig ka na naman diyan sa crush mo." Puna ng bagong dating na si Ems. Naupo ito sa tabi ng kaibigan.

Malungkot na ngumiti ang dalaga. Ang wallpaper ng kanyang cellphone ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.

"Pinagdi-diskitahan mo na naman ang love of my life ko." Ang celebrity at model na si Mark Grey ang kanyang ultimate crush. Nag-download siya ng picture nito at ginawa niyang wall paper.

"Sus, kontrabida pa pala ako. Pinapangarap mo pa rin ba na siya ang maka-de-virginized sa'yo." Humagikhik ng nakakaloko si Ems.

Alam kasi nito na patay na patay siya kay Mark Grey na ni minsan ay di pa niya nakita ng personal. Follower din siya ng Instagram at Twitter account ng nasabing model.

"Heh! Ayan ka na naman." Saway ni Tina sa kaibigan.

"Bakit ikaw din ah. Crush mo din siya. Uy, aminin." Pabiro niya itong tinulak na muntik ng ikinahulog nito sa upuan.

"Tintin. Ano ba! May kasama ng selos 'yang tulak mo." Pakunwaring singhal nito sa kaibigan at saka umayos uli ng upo. "Hindi ko siya crush. Hinahangaan lang."

"Sorry na. Napalakas lang ng tapik." Niyakap ni Tina si Ems. Ito lang ang karamay niya sa mga problema at sikreto ng buhay niya.

"Kumusta pala check-up ni Tita Bea." Alam ni Ems na ang ina ang pinoproblema ni Tina.

Malungkot na tumingin sa kaibigan si Tina. Puno ng pag-aalala ang masasalamin sa mukha nito. "Ems, sabi ng doctor kailangan gawing three times a week ang dialysis ni Mama."

"Ha! Naku mas malaki ang perang kakailanganin mo." May himig pag-aalala ang salita ni Ems. "Paano na yan?"

"Kailangan ko ng twelve thousand kada Linggo." Maluha-luhang sabi ni Tina.

Wala silang perang naipon dahil mula ng magkasakit ang kanyang ina ay naubos na ang perang inipon nito. Tumatanggi na nga itong magpagamot pero ayaw niyang pumayag.

Ayaw niyang mamatay ang kanyang ina dahil ito na lang ang meron siya. Gagawin niya ang lahat madugtungan lamang ang buhay nito.

"Kung kinakailangan doblehin ko ang kayod sa gabi ay gagawin ko." Sa ganitong pagkakataon ay hindi niya maiwasan na hindi maalala ang nakaraan.

Take Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon