Teaser

3.9K 72 7
                                    

Napako sa kinatatayuan si MK ng humarap ang nakamaskarang dancer. 'Damn. ' Si Lady Scorpion nga.

"Wow! So hot!" Sigaw uli ni Ferdie.

Sa isang iglap ay tinakbo ni MK si Lady Scorpion at itinakip dito ang kanyang katawan. "Stop this!"

Napahinto si Tina sa pagsasayaw ngunit ang nagpasindak sa kanya ay ng mapagsino ang lalaking nasa harapan niya. Si MK.

Nahinto ang tugtog. "Hey. Don't spoil the night MK. Let's enjoy." Protesta ni Ferdie.

"Come on bro. Don't be a KJ." Sumegunda ang nayamot na si Adrian.

Nanatiling nakaupo si Brix. Nagtaka siya sa inasal ng kaibigan at sigurado na meron itong mabigat na dahilan.

Nasa state of shock pa rin si Tina. Napasunod na lamang siya ng akayin siya ni MK sa loob ng isang kuwarto.

"Stay here." Narinig niyang sabi nito bago lumabas ng silid.

Napaupo siya sa kama at hindi na napigilan ang luha. Pakiramdam niya ay gumuho ang buo niyang pagkatao. Hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya kay MK at kung may trabaho pa siya kinabukasan.

Bumalik si MK sa mga kaibigan. "Guys, listen up. I know you wanted to surprise me and I appreciated your effort. But please, not her. Ibalato nyo na siya sa akin."

"Why? Do you know her?" Nagtatakang tanong ni Brix.

"Sort of. Yes." Tinapunan niya ng nagpapaunawang tingin ang tatlong kaharap.

Nagkibit-balikat lang si Ferdie at tumango naman si Adrian. Isang shoulder pat naman ang tinanggap niya mula kay Brix.

"Sorry Guys." Paumanhin ni MK sa mga ito at iniwan na ang mga kaharap.

Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan niya kay Lady Scorpion. Napatigil siya sa may pinto.

Dati buo ang kanyang pagnanasa sa dancer ngunit biglang nagbago ang kanyang damdamin. Mas gusto niyang alamin ang pagkatao at tunay na mukha sa likod ng itim na maskara.

Naramdaman ni Tina ang pagbukas ng pinto. Lalo siyang naiyak. Hindi niya maiangat ang mukha na nakasubsob sa mga palad.

"Take off your mask Lady Scorpion." Isang makapangyarihang utos ang narinig ni Tina.

Napaangat siya ng mukha at napatingin sa papalapit na binata. Hinawakan nito ang kanyang baba at itiningala.

Hindi maintindihan ni MK ang sarili. Bigla siyang kinabahan ng tumitig siya sa mga mata ni Lady Scorpion.

Pahablot niyang tinanggal ang maskara nito. "What the...Tintin?"

***

Hi readers,

If you liked this story, pls vote or if you found some flaws, pls comment.

Thanks :)

Take Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon