"Walang Pangit Sa Mundo"
Manong,Ale, kuya, ate
Tanong ko Lang diba ako ay iyong hinusgahan?
Maaari bang ikaw muna'y huminto at ako'y pakinggan?Kung Hindi ako isinilang na maitim
Ako naba'y maganda saiyong paningin?
Kulay ko ba'y sapat na rason upang ako'y tamayin?
Kailangan bang maging perpekto Ang kurba Ng katawan upang ako'y respetohin?
Labas na anyo na ba Ang basehan upang mahalin?,Kung oo, Maaari kabang tumingin sa salamin at sarili ay tanungin
"Ako ba'y Perpekto upang iba ay Hindi galangin?"Kahit baliktarin mo pa Ang mundo
Pareho Lang Tayong Tao,Kaya bago mo ako Husgahan at apakan
Dumi muna sa'yong Mukha ay iyong tingnan,Wala namang pangit sa mundo
Marami Lang talagang mapanghusgang tao
Kaya Hindi magawang sabihin Ang salitang
"Maganda Ako/Gwapo Ako"
Dahil sa tingin Ng mga matang mapang insultoMaaaring Hindi ka maganda/gwapo sa paningin Ng Tao ngunit sa paningin Ng Dios Oo ikay maganda sa loob at labas Ng iyong anyo,
Kaya wag makinig sa mundo at mahalin mo ang sarili mo.-Fenella_fin🦋
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryThis Poetry is about what other people experience in reality and I put something beauty, Life is adventure, mystery and beautiful we just need to close our eyes and open our hearts and minds to see the beauty in it. If you love poems and poetry I s...