"OBRA"

122 5 0
                                    


'Di ko mawari Kung bakit Hindi mo gusto Ang alay sa'yong Tula
Tama Naman Ang tugma
Bawat kataga nito'y bunga ng aking pag-ngiti at pagluha,

Habang ito'y iyong binabalewala
Unti unti itong lumuluma
Bakit Hindi ba maganda
Ang Tulang ikaw Ang paksa?
Hindi ba sakto sa'yong panlasa
Hindi mo ba gusto o iba ang nais mong gumawa?
Ng obrang pinag-alayan ko ng pawis at luha,

Ika'y naging pamagat sa'king Tula
Kailan Naman ako magiging liriko sa'yong kanta?

Mga naipong Tula ay naging aklat
Na kahit minsan 'di mo binubuklat
Ito bay Hindi sapat?
Upang patunayan ko sa'yo na pag-ibig ko'y tapat?
Kung ako ba ay siya
Obra ba ay katanggap-tanggap
Sayang Naman Ang bawat kataga
Dahil sa pag punit mo nito'y puso ko ay nasira.

Fenella_fin✨

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon