YESHA'S POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Nung tiningnan ko kung anong oras na ay agad agad akong bumangon at dumiretso sa cr. Mabilis akong naligo at ginawa ang morning skin care routine ko. Naka fitted shirt at maong jeans lang ako na pinaresan ng white sneakers, since late na ako, wala nakong time mamili ng susuotin.
"Good morning, my beautiful lady! :)"
Napangiti ako sa message na sinend sakin ni Spade. Dali dali kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas. Hinihingal ako nang salubungin niya ako ng yakap.
"Late ka na naman nagising, noh? First day na first day, love."
Natawa pa siya bago dinampian ng halik ang noo ko. Napangiti naman ako dun. Kahit kailan napaka sweet talaga ng taong to.
"Let's go!" Magiliw niyang sabi at saka binuksan ang kotse niya.
"Get in, gorgeous."
By the way, he is Spade Castillo. Second year college na and hindi nawawala sa dean's list. Sobrang matalino, palibhasa palabasa talaga ng libro. He's taking a Bachelor of Science (BS) in Nursing. Yep, we're from a medical school. Ako naman ay nasa first year palang and today is our first day kaya kinakabahan na'ko. Nga pala BS in Medical Technology naman yung kinukuha ko. And oh, the name's Yesha Silva!
"OMG! Andito na tayo. Love, I'm so nervous. Oh my ghad!"
Natatawa niyang inunlock yung seatbelt ko. Hmp!
"Shall we?" Inilahad niya ang kamay sa'kin habang sinasabi 'yon.
Agad ko namang tinanggap iyon at magkahawak kamay kaming pumasok. Hindi naman nakatakas sakin ang mga matang nakatitig at ang mga bulung-bulungan nang makapasok na kami. Kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak ko kay Spade.
"Hanggang ngayon napakagwapo parin talaga ni Spade."
"Napakatalino na nga, napakasipag pa, saan ka pa diba?"
"Swerte talaga ng girlfriend niya. Last year ko pa siya nakikita since may mga times na pinupuntahan niya si Spade dito."
"Swerte din naman si Spade sa kaniya. Tingnan mo nga oh, napakaganda niyan. Tsaka sabi ng kapatid ko, siya yung nangunguna sa buong batch nila dahil nga schoolmates yung sis ko and yang gf ni Spade. Edi sobrang matalino din yan."
"Wow! Talaga?"
"Wala na ako masabi. Perfect match nga."
Ilan lang yan sa mga narinig ko at hindi ko naman napigilan ngumiti. Sikat si Spade dito sa school nila (well, school namin na ngayon) since isa nga siya sa mga pinakamatalino, at kung ako ang tatanungin, siya ang pinakagwapo para sa akin.
Matangkad siya, maputi pero di yung sobra, makinis ang kutis, pinkish yung labi niya, matangos ang ilong, slender yung mata, mahahaba at kulot yung eyelashes niya, at bumagay naman sa buong mukha niya ang di ganon kakapal niyang kilay, at thick angular fringe naman ata yung hairstyle niya. Ewan ko ba kung ano ang tawag dun.
"So, here's your room. Are you ready?"
"Uhm. Am I? Of coure... not. I'm still nervous."
"Don't be. I know you can do it. You'll do just fine, love. Ikaw pa ba."
Pinisil niya ang kamay ko na para bang sinasabi niya na wala akong hindi kaya, at lagi lang siyang andyan. Hays, sarap naman nito. Niyakap ko siya nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Light In The Darkest Night
General FictionSometimes we all need darkness in our lives, to know how bright we can actually shine.