Mabilis na dumaan ang mga araw at Friday na ngayon, at hindi parin kami okay ni Spade. Pero sa mga dumaang araw naman ay hinahatid sundo niya parin ako, sabay parin kaming naglulunch. Ang hindi lang normal sa amin ay yung di niya parin ako kinikibo, unless kailangan talaga, dun niya lang ako kinakausap.
Nandito ako sa hallway ngayon, nasa second floor, at nakatanaw sa kahit saan, kahit sino. Katatapos lang ng last subject namin ngayon at nagpapahangin muna ako rito. Natanaw ko si Spade, suot ko yung eyeglasses ko kaya nakikita ko siya. Naglalakad siya ngayon at ang tamlay niya, nasisiguro kong susunduin na niya ako.
Pero agad na gumuhit yung pagtataka sa mukha ko nang may babaeng lumapit sa kaniya at sinabayan siya sa paglalakad. May kung anong kinikwento yung babae at natatawa pa ito, tiningnan ko si Spade at ganoon nalang ang sakit na naramdaman ko nang masilayan ang napakaganda nitong ngiti.
Ngayon ka na nga lang ulit ngumiti, hindi pa ako ang dahilan.
Titig na titig parin ako sa kanila nang may tinawagan si Spade, at bigla namang nag ring yung phone ko. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit.
“Hey! I can’t drive you home today. I’m sorry.”
“Why?” Hindi ko napigilang isiping may kinalaman yung babae sa hindi niya pagsundo sakin ngayon.
“I just need to do something important.”
Important? Oh yeah, I thought I’ll always be your first in everything, Spade.
“Whatever.” Yun lang at ako na ang nag end ng call.
Nakita ko pang bumuntong hininga siya at malungkot na ngumiti. Yung babae naman tinap pa yung likod niya. Ano yun? Comfort, o baka comflirt. Yeah, whatever!
“Seems like someone’s jealous, huh?” Ganoon na lamang ang gulat ko nang may nagsalita sa likod ko.
“Fck! What the hell?” Singhal ko sa kaniya.
“You’re cursing me now, huh?” But I didn’t respond.
“Come on, I’ll take you home.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
“Baliw ka ba? Sana ayos ka lang.” Inis kong sabi at seryoso naman niya akong tinitigan.
“I’m not crazy, and yeah I’m fine.”
Nakakainis, hindi niya ba magets na may jowa ako? Bakit niya ba to ginagawa? Inarapan ko nalang siya at naunang lumakad. Naaasar ako, hindi ko nalang siya papansinin. Nga pala, if you’re wondering kung nasaan si Kiella and Austin, well may paired work kami at sila yung partners. Yung prof namin yung nag pair, tingnan mo nga naman at sila pa talaga yung magkapares.
Coincident? No, it was destined.
Corny, but ayun nga nauna na sila kasi gusto na nilang simulan yung task na yun. Ako naman bilang tamad, at binigyan din ng tamad na partner, napagdesisyunan namin na bukas nalang gawin yun. We need to make a presentation about the health care system dito sa Pilipinas.
“Hey, are you even listening?”
Kabababa ko lang sa first floor, and yes naghagdan lang ako at sumunod naman yang isa na yan. Nakakainis lang, at hindi pa rin naman nawawala yung sigawan ng mga babae tuwing makakakita ng gwapo, lalo na pag itong Dylan na yung dumaan. Mas binilisan ko nalang ang paglakad, palabas na ako ng gate nang hilain ni Dylan ang pulsuhan ko.
“Ano ba?” Agad kong binawi ang kamay ko.
“Why are you mad?”
BINABASA MO ANG
The Light In The Darkest Night
General FictionSometimes we all need darkness in our lives, to know how bright we can actually shine.