Vanessa's POVHaaaaaaay buhaaaay!
Hello Philippines and hello woooorld! napakagandang umaga naman ang meron ako hihi.
'Pero mas maganda ako duh'
Ang puso at utak ko ay maganda ang takbo ngayong umaga, success kasi ang pagtapos ko sa buhay ni Jared.
Naalala ko nanaman kung paano ko itinapon ang kaawa awang katawan ni Jared.
----Flashback----
Pagkatapos kong mapukpok ang ulo niya, nakita ko pa kung paano tumalsik ang pira pirasong utak niya sa kung saan.
Kinuha ko ang sako at ishinoot siya roon, mygod so ewy! err!
Binuhat ko ang nakataling sako, sobrang bigat, ilang kilo ng babae ba ang nakain nito at ganito kabigat.
Mabuti nalang at may ilog malapit dito kaya hindi na ako mahihirapan, isinakay ko ang mabahong bangkay sa likod ng kotse ko.
Nagdrive ako sa malapit na ilog rito at doon ko na masayang itinapon ang mabahong bangkay.
Bago pa ako makasakay ng kotse para umuwi ay may nakita akong magjowa na naghahalikan sa bench, mygoood! get a room! duh!
Mabuti nalang at wala gaanong tao maliban doon sa nagchuchukchukan, at talagang gan'tong oras pa ha? err!
Nakita ko pang inihiga ng lalaki ang babae sa bench at doon sila masayang naghalikan,
Hindi ko na sila pinansin dahil baka kung saan pa umabot ang ginagawa nila, ayoko manood ng live show 'no! nagdrive na ako pauwi, mabuti nalang busy sila kaya hindi nila ako napansin.
----End of flashback----
Panibagong misyon nanaman ang kailangan kong tapusin ngayong araw, mahirap na baka maunahan pa ako.
Nag-ayos na ako ng gamit at umuwi sa bahay ni mommy, baka kasi nagtataka na iyon kung bakit ang tagal tagal ko umuwi at inumaga pa ako.
Pinatunog ko ang kotse ko at pumasok, habang nag dadrive ako sa kalsada ay may nakita akong bola, hindi lang iyon dahil may bata ring sumunod at hinabol ito.
BINABASA MO ANG
Revenge
Mystery / ThrillerThis story is about a woman, who used to suffer from extreme bullying when she was young. In the present time, she got everything and planned to retaliate, and devised various means to torture her oppressors. Will she succeed?