𝕴𝖐𝖆𝖑𝖆𝖜𝖆

13 0 0
                                    

—𝓨𝓻𝓸𝔁𝔃—

"Tol! tol!, Gising, Pinapatawag ka nang moderator, sa training room daw sa 5th floor!" Yugyog saakin ni.. sino ba 'to?

Masakit man ang ulo, pero iminulat ko agad ang aking mata, paulit ulit nya padin akong ginigising.

Nang hindi padin nakaka-adjust yung mata ko pinikit ko nalang ulit chaka ipinatong ang braso sa mga mata.

"Bakit daw?" Naiinis na sagot ko, Linggo ngayon. Pahinga na dapat, Napuyat ako kahapon dahil sa pag aayos nang mga binebenta ko. Hayst ano bang kailangan nun sakin?

Nang ma realize kong baka nalaman nila, Napatayo ako agad, kahit hindi pa nakaka-adjust ang mata ko.

Pumunta ako agad nang banyo at naligo, Hindi kona tiningnan ang oras, bagama't medyo kinakabahan ay masisiguro kong malulusutan ko ito.

Bagama't may kaya naman kami, nag bebenta padin ako nang mga pekeng limited edition CD kuno, syempre diko naman ibibigay sa kanila yung original ko.

Kaya ko naman bilhin ang mga gusto ko, kahit hindi nag bebenta. Gusto kolang masubukan ang pagiging Negosyante ko bilang ABM student.

Nang matapos mag ayos, Nag maong pants lang ako, chaka polo shirt na kulay itim, at nag puting sapatos.

Tiningnan ko ulit ang roommate ko na si Kier, na gumising sakin kanina.

"Bakit raw?" Tanong ko muli nang nasa pintuan nako, diman lang ako nakapag almusal hayst.

Nag kibit balikat lang sya, kaya umalis nalang ako. Tiningnan konaman ang oras sa relo ko at nakita kong 7:03 pa lamang nang umaga, kaya pala sumasakit ang ulo ko dahil maaga pa masyado.

Napansin kong wala pala ang isang roommate kong, si Erwin. Malamang ay umuwi yun, okaya naman, nakipag kita kung kaninong babae. Matanda na sya kaya naman nya sarili nya.

Dahil ayokong mahalata akong kinakabahan, hindi ako magmadali sa pag lalakad, Dahil nasa building pako nang dorm, dumaan nalang ako sa hallway na nag kokonekta sa dalawang building.

Ang Grit Academy, malamang kung san ako nag aaral, Syempre malaki talaga, Malalaki at matatas ang mga buildings, na para sa mga strands and Dorms, 4 ang strand dito. kaya malaki talaga. Hindi pa kasama ang ibang mga building. Literal na nakakaligaw.

Diko napansin na nasa ikalimang palapag na pala ko. Ang training room ay isang silid kung saan nililinang ang kakayahan upang mas mahasa sila sa pag-aaral, sport o sayaw at iba pang aspeto nito. At iba pa ang sports room at dance floor, sa training room, kaya malaki talaga.

Binuksan kona ang pinto at nakita kong hindi lang ako ang tao roon. Sa backdoor ako dumaan kaya, nakatalikod sila saken. Dalawa na ang tao roon, Isang babae at isang lalake.

Napakunot naman ang noo ko, kasi hindi ko talaga maintindihan, akala ko ako lang ang pinapatawag, ts di talaga marunong mag balita nang maayos yun si kier.

Umupo naman ako sa upuan na bakante sa pagitan nila, bale yung ayos nang upuan naming may armchair ay pa box, isa sa harap, isa likod, isa sa gilid na left at isa sa right.

At umupo ako sa sa likod, kaya bale naka harap ako sa pinasukan kong pinto kanina. Isang upuan nalang ang bakante yung sa harap. na nakalikod saakin. Wala naman nagsalita sa amin. Nakaka ilang, since diko alam kung anong meron.

Tiningnan ko ang babaeng nasa kaliwa ko, Ash gray ang buhok nya, mahaba hanggang taas nang pwetan. mapapansin moyun kahit nakaupo sya, kulot ito sa bandang ilalim. Maganda yung pagkakakulot, mukhang natural.

Babalakin ko na sanang mag tanong nung bigla ulit naramdaman ang tunog nang pag bukas nang pinto, kaya na patingin ako sa front door.

Pumasok duon ang isang babaeng, Kulay burgandy ang buhok, umupo sya sa nag iisang bakanteng upuan.

Sino ba ang mga 'to? Sa dameng nakakakilala saaken, Ahahaha. Bakit diko sila nakikita? O dilang talaga ko namamansin?

Tiningnan ko naman ang isa pang lalake sa tabi ko, Mukhang may itsura, pero mas gwapo parin ako.

Tititigan ko pa sana sila, nang may biglang pumasok sa front door. Napatingin naman kaming lahat at syempre nahihirapan ako kasi nakatalikod ako.

Tumayo nalang ako, para makita ko ang dumating kaya tumayo din ang tatlo, ngayon naka isang linya nalang kaming nakatayo, Una ako, kasunod yung babaeng may ash gray na buhok, kasunod yung isang lalake, tas yung huling babaeng dumating.

"As you can all see, Pinapunta kayo nang moderator dito, Upang ma training. Bakit kailangan pang ma training? Una, Kase kayong apat ang mag lalaban-laban sa darating na paligsahan. Bakit hindi nalang kanya kanya ang pag tetraining? kase kakaiba ngayon ang laban na gaganapin. Ikatlo, Ang mananalo sa inyo ang mag rerepresenta sa buong iskwelahan at makikipaglaban. Upang makipagpalit sa ibang iskwelahan sa mga kalaban, at muli ulit makikipag laban doon, at doon malalaman kung kayo na ang mananalo. Kapag nanalo kayo dun. Makakakuha kayo nang sariling kwarto nyo dito sa Grit Academy, Yung bagong gawang silid at solo. You can do all you want in there." Paliwanag naman samin ni Mrs.Penta, yung nag announce nung biernes, tungkol sa laban.

At talagang sinigurado nilang, 2 araw lang ang meron kami para makapag handa, at ito na ang huling araw upang mahasa kami.

Nakahinga naman ako nang maluwang nang malaman kong wala naman palang kinalaman sa pagbebentang ginawa ko kahapon.

Alam kong baka nag review na ang mga 'to kahapon, o nag masid para sa kakaibang laban na magaganap bukas. Habang ako ay nagbenta lang. Sa galing kong to? ts. Sisiguraduhin kong ABM ang mananalo.

"What are the questions all about?" Malamig ngunit malambing ang tinig na tanong ni Ms.Ash Gray hair.

"That was all for you to find out, Yung training nyo ngayon, Maaaring may kinalaman sa laban nyo bukas o dikaya naman ay wala. Pero sisiguraduhin nang mga gumawa na mas mahirap ang bukas. Pati kami ay wala pang ideya sa mga katanungan at kung anong klasing laban ang magaganap bukas" Prangka at ma otoridad na sagot ni Mrs.Penta

Hindi na kami nag salita, ilang sandali lang at nag lagay sya nang sketch pad sa upuan namin, at isang lapis at ballpen.

May pumasok naman ulit na 3 pang guro, na diko naman gaanong kilala. Malamang upang mag bantay. Pumalibot sila sa amin, isang guro para sa bawat isa saamin.

Sila pala ang mga makakalaban ko sa pagsusulit na gaganapin bukas. Ngayon kolang napagtanto. Kaming apat ang maglalaban laban, Yun ang dahilan kung bakit nila ako pinapunta rito. At sisiguraduhin kong hindi matatalo ang strand ko.

"Simulan na natin" Sabi ni Mrs.Penta..

A/N: What would be the next thing happen?

UNBIND THE DISCRIMINATIONWhere stories live. Discover now