𝕴𝖐𝖆-𝖑𝖆𝖇𝖎𝖓𝖌 𝖙𝖆𝖙𝖑𝖔

6 1 0
                                    

—𝓒𝔂𝓮𝓲𝓻𝓲𝓵—

"Ako na ang tutulong kay Croks" Nakangiti kong sabi sa kay fiera at kelly nang makarating kami sa cafeteria, tanging tingin lang ang ibinato sa akin ni fiera habang ngumiti naman si kelly.

At eto namang si croks ay nag dadabog pa. ts, parang bata. Nang makakuha na nang kakainin ay agad kaming lumapit sa upuan at kumain.

"Kelly? may naisip kanabang gagawin?" Tanong ko naman kay kelly habang kinakain ang ice cream ko.

"Ahm.." nag iisip na sagot ni kelly. Inilapit naman ni fiera ang mukha niya kay kelly na tanda nang may ibubulong. Kaya naman agad kong inilapit ang tenga ko sa kanila.

"Give him something he hates" Narinig kopang bulong ni fiera kay kelly at nag tinginan ang dalawa tsaka mahinang tumawa si kelly at kinindatan naman ito ni fiera.

"Hays! Ang sama sama mo talaga sakin fiera" malungkot na sabi ko kay fiera, at chaka ngumuso.

Tinitigan naman ako ni fiera na parang nawiwirduhan, kaya naman namuo ang katahimikan, ilang sandali lang siyang nakatitig sa akin ay bigla siyang nagpakawala nang paimpit na tawa at umiling iling pa.

Kaya naman hindi lang kami ang napatahimik nang dahil sa tawa niya, kundi pati nadin ang mga nakapalibot sa kinauupuan namin sa cafeteria, at titig na titig sa kanya. Yung iba kumukuha pa nang picture.

Nung isang araw nga nakuhanan kaming magkakasama kumakain, nakita kopa sa bulletin board, yung iba naririnig kopang pinapakita at pinag kukwentuhan ang mga pictures namin. Hindi malayo pati nadin sa page nang Grit Academy naka post na ang mga picture namin, bago to. Dati mga picture naming nanalo mga naka post dun sa page ngayon.

Kakaiba na ngayon, wala naman nanalo pero naka post kami, magkakasama pa ah. Mga tsismoso't tsismosa, kayayaman panaman din, ganyan ang asal, napaka brat.

Muli nalang akong nagising sa pag iisip ko nang muling mag salita si fiera.

"Duckling, ts" Sabi pa ni fiera at umiiling iling na kumain nang fries niya, na parang hindi inalintana ang mga naging reaksiyon namin at ang mga taong nakapaligid at ang mga sinasabi nila. Sabagay wala naman talaga siyang pakeelam sa mga yan. Hayst, fiera nga naman.

"Ehem, Tumatawa ka pala fiera" natutuwa namang sabi nitong si croks, hayst, hindi ba halata ah??!

"Yep! napatawa ko siya" Sagot ko naman kay croks kahit hindi ako ang tinatanong at inunahan konang magsalita itong si fiera.

"I'm human being, thats normal" Wala nanamang pakeng sagot ni fiera, na dinedma lang yung sinabi ko. Sumang ayon naman si kelly sa sinabi niya.

"Make it fast, Mag tetraining pa tayo ulit" Dagdag pang sagot ni fiera, kaya naman kaagad kaming kumain ulit.

—• •—

Pagtapos naming kumain ay agad kaming dumiretso sa Theater and Arts Room, At kung tatanungin niyo ko, kung ano ginagawa namin dito. Hindi ko din alam, dahil si fiera at kelly lang ang may alam. Pinagtutulungan kami palage ni pareng croks. Hayst, kawawa naman kami.

"Ahm, Cyeiril, ano you'll convince them to, ahm, paint something much appropriate to this room. Ayaw kasi nila makinig sa iba e. Pati nadin sa back drop na gagamitin sa presentation nang Theater and Arts Club, na para lang sa mga istudyante." Nahihiyang sabi naman ni kelly, pakiramdam siguro niya inuutusan niya ako. I tap her head, na nakapagpasimangot naman sa kanya.

"Its part of the training. Magagalit sayo si fiera" Nakangiti ko sabi sa kanya at itinuro pa si fiera na inirapan lang ako.

"Pareng croks, dito, pag sabayin na natin ang training naten."  inungusan lang niya ako

UNBIND THE DISCRIMINATIONWhere stories live. Discover now