𝕴𝖐𝖆-𝖑𝖆𝖇𝖎𝖓𝖌 𝖉𝖆𝖑𝖆𝖜𝖆

12 0 0
                                    

—𝓚𝓮𝓵𝓵𝓲𝓪𝓷𝔂—

Nang matapos na sila Fiera sa pagbebenta ay agad na dumeretso kami sa likod nang gym na malapit sa locker. Nakasunod lang kami sa kanya at nananahimik.

"Observe them" Siryosong tingin sa akin ni fiera habang nakatingin din sa tatlong babae at isang lalake na nag uusap usap, at nakatalikod sa amin.

lalapitan ko na sana sila nang maramdaman ko ang banayad na pag pigil sa akin ni fiera. Tiningnan ko naman siya na nakakunot ang nuo at mababakas ang pagtataka.

"Observe them, only from a far. Pag may sapat na alam kana chaka ka lumapit sa kanila" Pagpapaliwanag niya naman sa akin, unti unti kong naintindihan ang gusto niyang ipa unawa.

Napabuntong hininga nalang ako at nakinig sa mga nag uusap usap,

"Nabutas ang bola ko, tas nawawala din ang wallet ko, kayo lang ang kasama ko nung mga panahon na bago mawala ang mga gamit ko. Kaibigan ko kayo" Malumanay na sabi nang lalaki.

"Pero vince, pinag bibintangan moba kame?" Naiinis naman sagot nang unang babae.

"Hindi sa ganun lea, nasan ba kayo nang mga panahong iniwan ko ang mga gamit ko?" Sagot naman nang lalaki na vince daw ang pangalan.

Kinakabahan naman ako sa susunod na mangyayare. Hindi ko alam kung magagawa ko ba nang tama ito.

"Nauna akong nag paalam saglit kila lorena at Inna, na mag aayos lang sa banyo" Napabuntong hininga namang  sagot ni Lea.

"Kami sabay kaming lumabas saglit ni Inna para bumili nang soda sa cafeteria, diba Inna?" Nakatingin na sagot ni Lorena na tila pinapakiusapan gamit ang tingin ni Lorena si Inna na tila wala sa sariling napa tango tango na lamang..

"Nakita ko nalang ang bola ko sa garden, tas yung wallet ko nasa loob nang bola wala laman, walang pera, nawala lang yung keychain ko tapos nawala din yung plan ko para sa presentation namin pati nadin yung flash drive" Nalulungkot namang paliwanag ni Vince at tiningnan ang mga ito.

Tila alam kona kung sino ang gumawa nun, tinitigan ko pa ang apat na magkakasama at humanap nang ebidensiya.

Akmang aalis na sila nang lumapit na ako para makausap na sila. Kinakabahan naman ako sa gagawin ko dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito.

"Sa palagay ko alam ko na ang may sala." Nakangito ko naman sagot sa kanila.

"K-kelly" Natataranta nilang apat na sagot. Hala? nginitian ko naman sila.

"talaga kelly? sino yun? kailangan ko na talaga yung flash drive ngayon kasi yung presentation namin e." Nakikiusap na sagot naman sa akin ni Vince ngumiti lang ako.

"Diba ang sabi mo nawawala ang Keychain mo?" Sagot ko, napatango naman siya sa sagot ko.

"Pano ka naman nakakasigurado diyan? Chaka wala kanaman na pakeelam dito labas kana" Sagot naman ni Inna sa akin. Nginitian ko lang naman siya bilang sagot.

"Pwede mo bang ipaliwanag ang itsura nang keychain mo" Sagot ko naman dito. Tumango naman si Vince bilang sagot.

"Kulay black tas maliit lang siya, pero tactical pen siya, may light at iba pa at m-" pinutol ko na ang sasabihin niya at hindi na pinatapos.

"Meron din siyang naka Engrave na Vince C. bilang pangalan at tanda hindi ba?" pag tatapos ko sa sasabihin niya at tinaas ko ang kamay ko at ipinakita ang key chain na hinahanap niya. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad lumapit sa akin para suriin ang keychain sa kamay ko.

" saan mo nakita ito? akin nga to, nakita moba kung sino nakahulog?" Nagmamadali namag sagot ni Vince sa akin.

"Nakuha ko lang iyan dito, ngayon, ngayon lang. bago ako pumasok" Nakangiti kong sagot sa kanya, totoo naman.

UNBIND THE DISCRIMINATIONWhere stories live. Discover now