Chapter 1

14 1 0
                                    

NAKAtulala akong nakatingin kay dad hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya..

"Dad are you sure na lilipat ako sa Manila?"gulat kong tanong sa kanya.

"France ilang ulit ko bang sasabihin sayo na Oo"Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Diba sabi mo hindi mo ako papaaralin sa Manila dahil delikado..eh bakit ngayon nagbago isip mo?"

"Wag ka ng madaming tanong ang mabuti pa mag empake kana lang dahil aalis tayo bukas.Doon ka titira sa bahay natin kasama ang mga kuya mo " Wala nalang ako nagawa kundi sundin ang utos niya.

Ano kayang nakain ni dad at naisip niyang sumunod ako kina kuya.

Bahala na nga basta ang importante makapagaral ako.Saang school kaya ako ilipat ni dad?

PAGkarating ko sa Manila ay agad kong hinanap kong nasaan sila kuya.Sabi kasi  ni dad sila daw ang susundo saakin.

"FRANCE!!!"

Napangiti naman ako ng makita sila kuya.

"Namiss ko kita kuya Francis" sabay yakap kang kuya Francis siya yung panganay saamin pero ang pinaka isip bata sa lahat.

"Ako hindi mo namiss"nakapout na sabi ni kuya Franco.

"Syempre naman kuya lalo na ang luto mo"Ginulo niya naman ang buhok ko.

"Hayss kuya hindi ka parin nag babago palagi mo paring ginugulo ang buhok"Nakasimangot kong saad sa kanya.

"Hahaha sorry na"

"Tayo na nga " sabay akbay saakin ni kuya Francis.

PAGDATING sa bahay ay agad kong linibot ang aking paningin wala paring pinagbago nga bahay simula noong bumisita ako dito.

"Halika kana bunso kain muna tayo tapos pahinga kana bukas nalang tayo magkwentuhan"aya saakin ni kuya Franco.

Pagkatapos kumain ay agad akong pumunta sa kwarto ko.
Hay naku na napagod ako ngayong araw.Pagkatapos kung ayusin lahat ng gamit ko ay agad akong humilata sa kama at natulog na.

Pagkagising  ko ay agad akong nag prepare naligo muna ako tsaka pumunta sa baba.Walang ingay sa baba mukhang hindi pa gising sila kuya ano na naman kaya ang ginagawa nila at ang tagal nilang nagising.

Magluluto nalang ako ng agahan,agad akong nagsaing tsaka nagluto ng tocino,itlog, at tsaka hotdog nagtimpla din ako gatas ko hindi kasi ako sanay na walang gatas sa umaga.

*cough*

Bigla naman akong napaubo ng makita kong nakaboxer lang si kuya Francis.

"Shit! Kuya magdamit ka naman para kang nasa gaybar niyang ayos mo..Kulang magsayaw ka diyan para maging macho dancer kana!"Bulyaw ko sa kanya.

"Chill lang bunso ito na nga magbibihis na ang highblood mo naman masyado..may regla ka ba ngayon"

"Kuyahhh! !"kumaripas naman siya ng takbo sa taas akmang babatuhin ko siya ng tsinelas ko.

"Oh ano namang kalokohan yan..kay aga aga nagaaway kaagad kayo"Kuya Franco.

"Eh si kuya kasi " sumbong ko.

"Ang tanda na ni kuya pero ang isip bata parin.Nagdududa na ako kong kapatid yong damulag na yan"Pagpaparinig ni Kuya Franco kaya natawa ako.

"Hoy narinig ko yun!!"sigaw ni kuya galing sa taas.

Natawa nalang kaming dalawa ni kuya Franco . pagkatapos kumain ay iniwan nila akong dalawa sa bahay.Nagwattpad nalang muna ako bago pumunta ng school kong saan ako mag enrolled.

Ala una na ng mapagdesisyunan kong pumunta na sa school.ang sabi ni dad malapit lang daw sa bahay ang school Vestal University daw ang pangalan.Tapos na akong maenroll pero kailangan daw ng interview sobrang daming echos.

Pagkalabas ko subdivision namin ay agad akong nagpara ng taxi.

"Saan po tayo maam?"

"Vestal University po manong"

Mga twenty fifteen minutes siguro na biyahe ay narating namin ang Unibersidad sa labas lang ako heninto ni manong dahil bawal daw nagpasalamat naman ako kay manong at pumasok na sa loob.

Hiningian muna ako ng I.D ng guard bago maka pasok . bumungad saakin ang napakalaking buildings grabe school ba to o mini city.Daming Building tapos ang lawak pa isang building lang yata ang school ko dati.Mukhang kailangan ko ng mapa dito para hindi maligaw.

Naglakad lakad naman ako baka sakaling may makita akong bulletin board . Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasan mapanganga sa ganda ng lugar para kang dinala sa future.

Kalahating oras na siguro akong lakad ng lakad pero wala parin akong makitang bulletin board o kahit na teacher man lamang . mabuti pang bumalik ako at magpahinga muna sa cafeteria nila nakita ko yun  kanina habang naglalakad.

Pagdating ko sa cafeteria nila ay napanganga na naman ako para akong nasa loob ng isang  five star hotel sa gara at lawak.

Nag order lang ako ng cheesecake at Lemon juice pero muntik ng mubutas ang bulsa ko sa mahal.Mukhang maghihirap ako dito.

Habang kumakain ay bigla nalang may nakiupo sa lamesa ko.Napatingin naman ako sa kanya maganda at maputi siya may katangkaran din at medyo pawisan.

"Hi pwede bang makiinom ng juice  mo" hindi pa ako naka sagot ay agad na niya itong kinuha.

"Thanks"sabay inom niya kaya napakamot nalang ako sa ulo.

Matapos niyang Inumin ang juice ko ay agad siyang humarap saakin at ngumiti.

"Pasensya kana nauhaw lang ako may hinabol kasi akong nakatakas sa mental by the way I'm Azreal Bianca De Vestal. .you?"sabay lahad ng kamay.

"France Manansala" tipid kong sagot.

"Bago kalang ba dito ngayon lang kasi ako nakakita ng kasing ganda mo dito " tumango lang ako at tipid na ngumiti.

Matapos non ay dinaldal niya ako at friends na daw kami tsaka sinamahan niya ako sa office para sa interview nagpasalamat naman ako at umuwi na sa bahay.

****
😄😄😄😄

De Vestal Series1:Nixxon King De Vestal Where stories live. Discover now