Nagpalinga linga sya.
Tinignan nya ang buong cafeteria.
Walang laman.
Walang ingay.
Walang gulo.
Sa sandaling iyon ay nanghina sya.
Hindi nya alam kung bakit.
Nahihilo nanaman sya.
Napaupo sya sa lapag ng hawak hawak ang ulo nya.
Mariin syang napapikit sa sakit ng ulo nya.
"Z-zeo?" Tawag sa kanya ni Enzo na kakarating lamang galing sa office.
Hindi nya ito pinansin.
Nanatili syang naka upo sa lapag.
Lumapit sa kanya si Enzo at umupo sa harap nya.
Kinakabahang hinawakan ni Enzo ang kaibigan upang pakalmahin ito.
Nang kumalma sya ay saka lang nawala ang galit nya.
"Dapat pala di na kita iniwan, di sana nangyari to" kinakabahang sabi ni Enzo sa kaibigan.
Ngunit hindi nya ito napansin.
Nanatili syang nakatulala.
Sinipat ni Enzo ang kanyang buong katawan.
At nakita nya ang buntot nito.
May mga dugo iyon.
Umaagos pababa ng buntot nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Zeo's POV
'Hindi ko alam pero, natatakot na ko sa sarili ko'
'Ewan ko ba'
'Bakit ganito?!'
'Halimaw ba ako?!'
'Nakapatay ako ng tao!'
'Anong gagawin ko?'
*sigh*
Ngayon nandito kami ni Enzo sa office.
Katapat ang mga magulang nung napatay ko.
'Pano na?'
'Anong mangyayari?'
'Kahit naman hindi ko ginusto ang nangyari walang maniniwala sakin'
'Siguro nga'
'Hindi ko rin alam ang nangyayari sakin eh'
'Halimaw ako'
'Halimaw'
'Alam ba ni mama na ganito ako?'
YOU ARE READING
Mythical War Chronicles: A Door To Past 1
FantasyIf you were the woman in the story, what would you do? Can you solve the problem of the whole world? Can you save everyone around you? More importantly, how can you meet someone who has been a part of your life but cannot remember? Join Ivyonna Zeot...