IKAW

30 1 0
                                    

Sino ba ako para sa iyo? Yan ang tanong mo.
Madaming mga kataga ang naglaro sa isipan ko.
Madaming pangungusap ang nais ilabas ng bibig ko.
Mga agam-agam na nais sabihin saiyo.

Ikaw, ikaw yung taong hinahangaan ko.
Ikaw yung taong, unang tinibok nitong waring puso.
Ikaw yung taong mahirap maabot ng katulad ko.
Ikaw yung taong hanggang tinggin lamang sayo.

Kahit nasaktan na'y sayo parin itong puso.
Kahit anong pigil di parin magawa dahil sayo.
Ninais na maka usap ka,
Ngunit lakas ng loob ay biglang nawawala.

Nais sabihing mahal kita.
Plinanong magtapat ng aking nadarama.
Atensyon mo'y nais na makuha.
Ngunit lingunin ako'y di mo magawa.

Higit sa lahat, ikaw yung pinapangarap ko.
Ngunit alam kong malabo.
Ikaw ang ninais ko ngunit hanggang tinggin na lamang sayo.
Kahit anong gawin ko,
Sadyang di ko kaya ipagtapat tunay na nadarama ng puso kong ito. 

ALIPIN NG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon