WALA NA ANG SIGLA NANG PYESA

29 3 0
                                    


Hindi ako makapag-isip nang tama.
Walang lumalabas sa aking isipan na kahit isang kataga.
Ninais na gumawa nang tula ang puso ko na makata.
Ngunit ngangapa sa kadiliman ang bawat letra.


Mahirap maging isang manunulat.
Lalo na kung ang pyesa mo'y hindi na sapat,
Hindi na sapat sa panlasa nang mga mambabasa.
Sapagkat wala na ang buhay nang bawat nakatala.


Kapag pinilit nang manunulat na gumawa nang obra.
Obra'y mas masama pa sa gabing puno ng problema.
Kaya ang iba'y hindi na makagawa.
Sapagkat kanilang isipan ay mapanira.


Hindi madaling maging isang manunulat.
Isipan at damdamin ay dapat na magkasabwat.
Na kapag hindi nagtagpo ang puso't damdamin,
Mas nakakatakot pa sa gabi ng lagim.


Depresyon ay patuloy na lalamunin ka.
Sa pagnanais na maibalik ang dating sigla nang ginagawa.
Isa ka rin bang manunulat,
Na pareho ng aking dinaranas?


Kapag naubos na ang ideya,
Kapag sa isipan ay wala ng maipiga.
Parang tinatarak ang puso ng masasakit na salita.
Mapapatanong na lamang, "Bakit hindi ko na magawa?"

ALIPIN NG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon