"Hindi ikaw,ngunit para saakin ikaw ay perpekto."

34 5 0
                                    

Hindi ako yung tipo ng babae na kapag dumaan ay mapapalingon ka.
Hindi ako yung tipo ng babaeng maipagmamalaki mo sa iyong barkada.
Hindi ako yung tipo ng babae na dadalhin mo sa "mall",
Taas noo habang magkahawak ang mga kamay nating dal'wa.
Hindi ako yung tipo ng babaeng masasabihan mo nang “ Sya, sya ang aking buhay! Sya na talaga ”

Gusto mong malaman kung bakit?
Ako kasi yung tipo ng babaeng hindi ka akit-akit.
Nagmumukmok sa isang tabi, nag-iisa dahil palagi akong nilalait.
Oo, tampulan ako ng tukso, ganon talaga kapag panget.

Bukod sa doble ang kanyang katawan,
Hindi pa sya ganon kagandahan.
“Walang magkakagusto jan”
Palaging sinasambit ng karamihan.

Palaging daing ng iyong kalooban.
Kung saan palagi kitang nakikita sa 'di kalayuan,
Naghihinagpis, punong puno ng kalungkutan.
Ang mga mata'y palaging luhaan.

Habang binabasa ang mga salita sa iyong talaarawan.
Sakit ang aking nararamdaman.
Bakit? Bakit naghihinagpis ang babaeng punong puno ng kagandahan?

Hindi sagot ang kolorete sa mukha,
Hindi rin maari ang lungkot na nakapaskil sa iyong magandang mata.
Upang ang mundo'y magustuhan ka.

Hindi din sagot ang pagsusuot ng mga damit na magagara.
Ayos lang kahit ikaw ay mataba.
Hindi kailangan na maki-uso.
Para umayon sa ninanais ng mundo.

Tandaan mo aking binibini.
Hindi kailangan iyong pekeng mga ngiti.
Kung ang puso mo naman ay nagdadalamhati.
Kaya binibini maari bang iwaksi na ang iyong mga pighati.
Matutong na lamang mahalin ang sarili.

Alisin ang sakit na nananalaytay saiyong pagkatao.
Iwaksi pati kalungkutang nararamdam mo.

Oo, hindi ikaw, hindi ikaw ang pinakamaganda sa mundo.
Ngunit para saakin ikaw ay perpekto.
Tunay na depinisyon ng kagandahan sa mundo.
Perpekto pa sa obra na gawa ng isang tao.
Ang babaeng katulad mo.

ALIPIN NG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon