TRIANGULO

26 1 0
                                    

Nagmahal ka na ba ng taong di pwedeng maging sayo?
Yung tipong malapit lang sya, ngunit nakatingin ka lang sa malayo.
Yung pakiramdam na wala syang pake-alam sa nararamdaman mo.
Nakikita ka nya, pero parang hangin ang turing sayo.

Masakit ba? Kaya mo pa ba?
Para saan ba ang iyong ginagawang pagsulyap para sakanya?
Hindi ba nasasaktan ka
Lalo na kapag kasama nya ay iba.

Ang sabi mo inspirasyon mo lang sya.
Pero bakit parang hindi ganon ang nakikita sa kilos mo't pananalita?
Alam mo pa ba limitasyon ng yung ginagawa?
Oh baka kasi di mo lang sya inspirasyon kundi mahal mo na sya.

Kaya mo pa bang pigilan?
Diba ayaw mong masaktan?
Pero bakit parang iyo pang pinagsisiksikan.
Iyong sarili sa taong sayo'y walang pake-alam.

Paki- usap tama na.
Ako'y sobrang nasasaktan na.
Kung gaano ka sakanya nagpakatanga.
Ganon din ang aking ginagawa.

Nakatingin ako sayo habang nakatingin ka sakanya.
Yung tipong malapit ka sakin pero malayo ka talaga.
Pag umiiyak ka. Saka din ang pagpatak ng aking luha.
Bakit kasi sya pa? Maari bang sa puso mo'y ako na lang sana?

ALIPIN NG TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon