Ang Istorya at Kwento Nating Dalawa (His)

21 0 0
                                    

Nang ika'y nahagip ng aking mata,
Tila ba nagbago nang lahat, sinta.
Lumakas ang tunog, bumilos ang tibok.
Puso ko'y nahulog nang tuluyan sa iyo.

Kahit na nahihiya,
Pinilit kong lapitan ka.
Para man lang sana,
Makita ka at makilala na.

Pinilit na ngumiti kahit pa kinakabahan,
Inabot ang kamay, at binigay aking ngalan.
Ngayon ma'y tanda pa rin kung paano ngumiti,
Ang biglaang tamis sa iyong mga labi.

Simula nung unang araw ay di na napigilan.
Bawat araw, mas nahuhulog ako ng tuluyan.
Nadadaga man minsan, tangi kong hiling,
Sana'y isang araw marinig ng puso mo, giliw.

Damdaming ito, paano ba mapaparamdam,
Kung sa simpleng pagtingin pa lamang sa iyo,
Nawawala nang lahat ng aking katapangan?
Aking dasal, sana'y maging akin nang tuluyan.

Naging malapit, malapit na malapit,
Na lahat na ata ng sikreto at bagay,
Hindi na kinailangang ilihim sa akin.
Hindi niya lang alam, ako'y may iisang lihim.

Kahit na masakit, pinilit magpanggap.
Kahit na mahirap, tanggap lang nang tanggap.
Tinago ang sarili sa likod ng maskara,
Kasama ang dalanging sana'y may ako't ikaw.

Pinilit binura lahat ng nararamdaman,
Maging kaibigan, at hindi ka-ibigan,
Dahil alam ko naman ang iyong kailangan,
Sandalan, hindi lalaking sasaktan ka lang.

Dumating ang araw na iyong pinakahihintay.
Ngumiti ka sa akin, hinawakan aking kamay
Suot ang trahe de boda, puting belo sa buhok.
Ilang minuto na lamang at magsisimula na.

Kinabig mo ako, hinigit ang aking braso,
Nagsimula ang musika't naglakad na tayo.
Ngunit bago pa makarating sa pinakaunahan,
May binulong ka sa akin, at ako'y naguluhan.

Bakit nalaman nang lumipas na ang panahon,
Lahat ay tapos na, di na magiging ngayon.
Bakit ngayon lang naisip na sabihin ito?
Minahal mo rin ako pero di na nga ngayon.

Sa Kaibuturan ng Isipan KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon