Panahon, Pag-ibig, at Pagkakataon

4 0 0
                                    

Hindi pwede, hindi maaari,
Pinipilit patahimikin mga gumugulo sa aking isip.
Nahihirapan, tila hindi makahinga,
Sa pagkalubog sa naging kwento nating dalawa.

Ikaw at ako, tayong dalawa,
Dalawang taong pinagkita, pinagtagpo,
Tamang pag-ibig, nagkamaling panahon,
Naubusan nang tuluyan ng mga pagkakataon.

Naalala ko pa lahat.
Laging sumasagi sa aking isip,
Mga tanong, mga damdamin,
Mga pagsisi't pagkakamali.

Ang dami nga namang pinalampas,
Pagkakataon sa gitna ng lahat ng mga taon,
Sa hinaba-haba nang naging panahon,
Dumating na sa dulo pero andito pa rin ako.

Andito pa rin ako,
Tulala, naiwang nagtatanong,
Humihiling ng kahapon,
Sa gitna ng ngayon.

Ilang beses nang inulit-ulit,
Pilitan pa ring pinagpipilit,
Mabawasan naman, baka pwede naman,
Kahit konti lang sa sakit na nararamdaman.

Wala naman talaga kasi akong karapatan.
Wala naman kasi akong dapat ipaglaban.
Walang naging tayo, noon man o kailanman.
Bakit ang hirap pa ring bumitaw kahit wala naman akong pinanghahawakan?

Walang naging tayo, oo, totoo,
Pero siguro naman, baka naman,
May karapatan naman akong masaktan.
Nagmahal din ako, kahit di na ako lumaban.

Mahal kita, hanggang ngayon,
Dalahin ko na hanggang sa dulo.
Pipilitin na lang itago lahat ng nararamdan,
Sa likod ng aking maskara, nagtatago na naman.

Sa Kaibuturan ng Isipan KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon