Mahal Kita

6 0 0
                                    

Mahal kita.
Mahal kita simula pa nung una.
Mahal kita, dating dati pa,
Nauna pa sa simula ng umpisa.

Sanay na sanay na,
Ramdam na ramdam.
Kasing simple na ng paghinga
Sa sobrang katagalan na.

Ang tagal na pala talaga,
Parang di ko na rin maalala,
Kung kelan ba, paano ba,
Bakit nga ba nagsimula.

Yung tipo bang paggising lang,
Alam ko nang mahal kita.
Isang araw, pagmulat ko,
Mahal na pala kita.

Mahal kita.
Ang simple lang, ano?
Mahal kita.
Hindi na rin alam kung sa anong kadahilanan ba.

Pede pala yun?
Totoo pala 'to?
Yung magmahal ka ng tao,
Kahit di mo pa silang kilalang husto.

Kakaiba talaga.
Hindi ko maintindihan,
Pero parang 'di na kasing importante
Kung ikukumpara sa nararamdaman.

Iba yung saya,
Makita ka lang ngumiti.
Iba yung ngiti,
Masulyupan ka lang sa gilid ng mga mata.

Ilang beses nang hiniling na sana naman,
Baka naman pede namang magkapuwang,
Sa buhay mo, sa isip mo, pati sa puso,
Hiling ng hiling sa mga tala't bituin.

Wala naman akong balak isiksik sarili ko.
Oo, totoo, kahit na gustong-gusto ko.
Syempre, mahal kita, alam na naman yun,
Pero hindi dahil mahal kita'y mahal mo na rin ako.

Nagbabakasakali lang naman,
Kung pwede lang kasi,
Kasi't magsisinungaling kung sasabihing
Kahit kailan, hindi ninais na maging akin.

Pero kontento na rin ako, patingin-tingin sayo,
Nagmamahal nang palihim at palayo,
Nagdarasal lang sa pagdating ng panahon
Na masasabi ko nang, "Minahal kita noon.".

Sa Kaibuturan ng Isipan KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon