"Are you excited?"
"I am super excited dad!"
Sobra ang tuwa ko dahil pupunta kami ng Pilipinas kung saan pinanganak si Mommy. Biruin mo banaman kasi sa 19 years of existence ko ngayon lang ako makakaalis ng bansa! Kaya nanglibre si Daddy, nagbakasyon kami para sa Anniversary nila at sa cruise ship nila naisipan icelebrate.
"Hey guys I'm taking Adi with me so you two can have some alone time." Tumawa pa si dad nung kinindatan ko siya. Pinakiusapan kasi niya ako eh at syempre supportive akong anak no.
Sinama ko si Adi sa aking paglalakbay. Char! Nasa tabi kami ng pool nang naisipan kong itapon si Adi sa pool. Char ulit! Mahal ko itong kapatid ko na ito no. Magkamatayan na kami ng lamok na kakagat sa kaniya! Pero seryoso iniingat ingatan ko si Adi dahil ayaw kong masaktan siya, maski mapagod manlang. Kaya lagi ko siyang pinapangiti kagaya ngayon buhat buhat ko siya at kunwari itatapon ko siya sa pool kaya tawa siya ng tawa, minsan nga sumisigaw pa eh.
-------
Naglilibot ako sa cruise para tignan kung maayos ba lahat dahil isa sa pinaka importante na gawain ng isang Kapitan ay paniguraduhin ang kaligtasan at kasiyahan ng mga pasahero niya.
Malapit na ako sa may pool area ng makarinig ako ng sigaw ng bata. Napabilis ako ng lakad papunta sa pool para tignan ang sumisigaw. Pagdating ko kumulo kaagad ang dugo ko sa nakita ko.
-------
Pagkatapos kong makipaglaro kay Adi ay umupo muna ako sa tabi ng pool habang nakababad ang paa, syempre naman tao lang ako no mapapagod din ako isa pa medyo malaki narin kasi si Adi kaya medyo mabigat narin.
Habang nakaupo ako at nakakandong si Adi bigla nalang ako nailang. Yung feeling na may nakatingin sa akin kasi ang ganda ko. Char! Pero totoo nakakakilabot yung feeling, kasi parang biglang nagplay yung BGM ng mga horror movies tapos may biglang hihila sa akin papuntang pool! Joke lang.
Napatingin ako sa magkabilaang side ko pero wala namang nakatingin, pero nandoon parin yung feeling eh. Kaya naisipan ko nalang na hanapin sila mommy kahit hindi ko alam kung saan lupalop na sila ng barko at kung anong kamunduhang ginagawa.
Ooops! Bawal ang GM!! Sakto naman na pagtalikod ko nagulat ako dahil may lalaki akong nakita na nakatingin sa akin. Yung Kapitan lang pala, siguro narinig niya yung sigaw ni Adi kaya siya pumunta. Nakakainggit naman si Adi may gwapong Kapitan na worried sa kaniya. Sana ol!
Syempre hindi ako magpapapetiks petiks no! Pinuntahan ko siya nang may napakagandang signature smile ng isang Ale Eiffer kasi ikaw banaman tinititigan ka ng isang napaka gwapong nilalang sa Earth na napakaseryoso ang mukha alangan naman magsimakot ka rin diba! Edi bagsak na ang mundo.
-------
Masyado akong napangunahan ng galit ko na ni hindi ko manlang napansin na nasa harap ko na pala ang babae kasama ang anak niya yata since tinawag siya nitong mommy kanina. Kung hindi pa hinawakan ng batang babae ang ilong ko hindi pa siguro ako babalik sa tamang huwisyo ko. Nasigawan ko na siguro ito dahil sa pangaabuso ng inosenteng bata.
Pero kumulo ulit ang dugo ko nang nakita ko siyang naka ngiti sa harap ko habang tumatawa.
Kasi bakit siya tumatawa? Pinaglalaruan niya ba ako? Ganyan naman talaga mga babae eh pare pareho lang ng ugali.
"Hi Captain!" Ngumiti ang babae ng sobrang laki na para bang punong puno ng kasiyahan ang budhi nito.
"Hi. Is everything okay?" Tanong ko.
"Yes! Everything is fine we were just playing." She smiled again!
"Ang cute ng anak mo." I said with a fake smile.
"Oh No! She's not my child she's my sister, Adi say hi." Kinuha niya ang kamay ni Adi at ikinaway sa akin.
"Oh. I'm sorry." Nakakahiya! Umiwas nalang ako ng tingin at napahawak sa batok ko.
Tumawa nalang mang mahina ang babae kaya napatingin ako sa kaniya ulit.
"Hello Adi. I'm Captain Jabe." Bati ko nalang pabalik kay Adi at hinawakan ko pa ang maliit niyang kamay.
Hindi ko mapigilang ngumiti kay Adi dahil naalala ko bigla ang kapatid ko sa probinsya. Sa tantya ko ay kasing edad lang ni Adi si Janne.
"I'm Ale!" Bigla namang sabi ng babae at naglahad pa ng kaniyang kamay.
"Nice to meet you Captain Jabe." Dagdag pa ng babae habang nakalahad parin ang kamay. Syempre hindi ko siya tatawaging Ale dahil wala akong balak makipag First Name basis sa mga babaeng katulad niya.
I was debating whether I would accept her hand or not.
After a few minutes na hindi pagtanggap sa kamay niya bigla nalang silang may narinig na sumabog at ang biglang pag tunog ng alarm ng barko.
-------
BINABASA MO ANG
Feisty Series #1: Along the Waves
Tiểu Thuyết ChungThe famous Captain Jabe was given a chance to be a scholar to sail the seas that was his goal ever since. While the heiress of Eiffer Group Of Companies truly believes that she was born to sail the ships and be one with the waves. Two opposite lives...