My tenth bottle of wine was almost up when I decided to get another bottle. I fell back at the bed as soon as I stood up to get another bottle. I was drinking since yesterday and I haven't eaten anything yet since then.
I was trying to stand up again when my door sunddenly opened revealing Matthew with a smile that turned into a scowl when he found me on the same spot he left me.
"Jabe bro, seryoso, umihi ka rin ba ha. Ganyang ganyan yung pwesto mo nung iniwan kita kahapon ah. Alam mo kung alam ko lang na maglalasing ka kahapon hindi na kita iniwan, sinama nalang sana kita sa labas."
Matt opened the curtains which caused me to wince.
"Kailan ka ba huling nakakita ng liwanag ha?"
"I have a light here dumbass."
"You know what I mean. Kailan ba ha. Haaay, hayaan mo na nga alam kong wala rin akong laban sayo. Icelebrate nalang natin birthday mo. Bro 27 kana kahapon ooh. Matanda ka na maghanap ka na ng mapapang asawa mo." He nudged me when I already after a few grunts am standing beside the sofa.
"Says the one that doesnt even have a girlfriend." I said lowly while holding on to the sofa for dear support.
"Bro, I dont need a girlfriend. I am happy with my life, having a few chicks here and there. Eh ikaw bro, tigang ka na siguro."
Tumunog ang tiyan ko nang masuntok ko siya sa braso.
"Kailan ka huling kumain ha?" Tinignan niya ako ng masama.
"Ugh. Two days ago." Sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya.
"Ha! Naku naman oh. Hindi ganyan magpakamatay bro!"
"Gago!"
Sigaw ko sa kaniya nang pumunta siya sa kusina para siguro maghanap ng pwedeng ipakain sa akin.
"Gago bro! Wala ka manlang pagkain dito. Naku naman oh. Bibilhan kita. Pero bayaran mo ko ha. Wala nang libre sa mundo. Babalik ako ah hintayin mo ko."
"Wag kang aalis ha!" Sigaw niya ulit ng nasa pintuan na siya.
"Gago! Saan naman ako pupunta ha!"
Narinig ko nalang ang malakas niyang tawa ng isarado na niya ang pinto. Tumawa nalang din ako ng mahina. Medyo nahihilo na ako dahil sa gutom at sa alak kaya naisipan ko nalang pumunta ng banyo para maghilamos at mag ayos. Isang hakbang ko palang nalaglag na ako sa sahig and the next thing I knew darkness enveloped me.
---
Binuksan ko na ang pintuan ng condo ni Jabe gamit ang spare key na binigay niya sa akin.
"Yow! Bro! Drive thru lang ang dala ko since mas malapit lang. Pagtiisan mo nalang tutal sanay ka nang masaktan haha!"
"Bro! Jabe!" Sigaw ko ulit nang hindi siya sumagot. Hinayaan ko nalang at baka naliligo kaya dumeretso na ako sa kusina since malapit lang sa pintuan ang kusina at kailangan pang lampasan ang divider papuntang sala.
Nang hinihintay kong uminit saglit ang pagkain niya pinuntahan ko na siya sa sala.
"Jabe? Jabe!"
"Nak ng tatay ko naman oh! Umalis lang ako saglit nasa sahig kana. May kama ka para higaan bro!"
Dali dali ko siyang binuhat at dinala sa kotse. Dinala ko siya agad sa pinaka malapit na hospital. Abala na ang mga nurse sa kaniya nang sumigaw ako para humingi ng stroller.
After a few minutes nailipat na raw sa isang kwarto si Jabe. Hay! Dagdag stress naman to si Jabe oh. Nababawasan ang pogi points ko habang dala dala ko siya kanina na parang bagong kasal.
Papunta na ako sa kwarto niya ng may makita akong babae sa labas. Uy! May chiks! Kaso mukhang si Jabe ang tipo wag nalang. Ibigay ko nalang sa kaniya marami namang nakapila para sa akin eh. Pogi kasi!
"Hi Miss!"
She looked at me in shock. Syempre ako na mismo bumaba galing langit para hindi na mahirapan si Lord.
"Ugh. Hi." Naks ang ganda ng boses mala Scarlette Johansson.
"Do you know Jabe?"
"Oh. Well, you could say it like that." Then she smiled. Boom ang swerte naman ni Jabe boses Scarlette na nga ngiting Anne Hathaway pa! Swerteee! Sana ol!
Magsasalita na sana ako nang bigla akong may naalala.
"Hala! Miss Beautiful pwede bang pakibantayan lang saglit si Jabe may nakalimutan kasi akong gawin eh ha."
Pumasok ako sa loob ng kwarto niya bago ako nagsalita.
"Bro saglit lang ha wag kang sasama sa liwanag ha! Babalikan ko lang yung pagkain mo!"
Saka ako tumakbo na ala Flash papuntang kotse!
---
"Ugh..." I didnt know that I would end up in this position. I just wanted to visit him not watch him.
I sighed and just sat down on the chair beside him.
"Looks like I'm absent for the day."
---
Daaan! Belated happy birthday jabe!!
BINABASA MO ANG
Feisty Series #1: Along the Waves
Ficção GeralThe famous Captain Jabe was given a chance to be a scholar to sail the seas that was his goal ever since. While the heiress of Eiffer Group Of Companies truly believes that she was born to sail the ships and be one with the waves. Two opposite lives...