Sunod-sunod na doorbell ang narinig ni Arya. At dahil siya lang mag-isa at namasyal ang mag-lola ay siya na ang bumaba at tumingin kung sinong bisita.
Siguro si Janus, ang aga naman niyang nangungulit. Anong oras pa lang ah! Kinilig pa siya habang pababa ng hagdan. Nang makarating na siya sa gate ay binuksan na niya iyon. Kasabay nang pagbukas ng tarangkahan ay nawala rin ang ligaya at ngiti sa kanyang mukha at pumalit ang kaba sa kanyang dibdib.
Si Karyn!
Pero mukhang kalmado lang ito at walang balak na mag-iskandalo. Minsan nang ipinakita ni Janus sa kanya ang kanyang litrato kaya alam niyang si Karyn iyon.
"P-pwede bang pumasok?" nagpipigil ang boses na iyon, parang kahit anong oras ay iiyak siya. Haggard ito at mukhang walang tulog. Naaamoy pa nga ni Arya sa hininga nito ang amoy ng alak na ininom nito kagabi.
Niluwangan niya ang gate at hinayaang makapasok si Karyn. Nang mai-lock na niya iyon ulit ay sumunod na siya rito. Doon sila sa may veranda naupo. Ilang minutong namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"T-totoo palang napakaganda mo at may mala-anghel kang mga mata." Karyn break their silence. "Mabait ka rin siguro at maalaga kaya ka minahal ng husto ni Janus. Alam mo bang for the past eight years minsan mananaginip siya sa gabi at pangalan mo ang sinisigaw niya?" Kwento sa kanya ni Karyn at pilit pa ring nagpipigil umiyak.
"Karyn..." tanging nasabi na lamang niya.
"Mahal na mahal ko siya Arya." This time she can't bare it anymore. Karyn gaze at Arya while weeping and begging. "Hindi ko kayang mabuhay kapag nawala siya. So please... ibalik mo na siya sa'kin..."
Hindi niya alam kung maaawa ba siya o ipaglalaban niya ang kanyang pagmamahal para kay Janus. Hindi niya maiwasang hindi titigan ang mga tingin sa kanya ni Karyn.
"Una naman siyang naging... h-hindi ba pwedeng akin na lang siya ulit?" Halos mawalan siya ng hangin sa baga dahil sa emosyon niya. In the end si Janus pa rin ang pinili ng puso niya.
"Pero Arya... ako na ang asawa niya. Hindi ba pwedeng ipagtabuyan mo siya para balikan niya 'ko?"
"Karyn hindi napipilit ang puso. Hindi rin ito natuturuan. Ang tanging alam nito ay magmahal kahit nasasaktan. Nagmamahal lang ako kaya patawarin mo na lang ako."
"Nagmamahal din naman ako. Alam mo ba kung anong masakit sa sitwasyon natin? I'm the wife but he treats me like a mistress... yet you are the mistress but for him you are his wife... at ang sakit-sakit..." napayuko na lang si Karyn because og the excruciating pain in her broken heart.
"Wag kang mag-alala Karyn. I'm going back to America at sa pag-alis ko sigurado akong babalik na rin si Janus sa'yo. Pero 'wag mo sanang ipagkait ang karapatan niyang maging ama—"
"Hindi ko naman pinagbabawal 'yun e. Alam mo kung saan ako nababaliw? Sa inyong dalawa; I can't help myself to picture the two of you with your child na masaya at maligay dahil buo kayo. Pero naisip mo ba na nasasaktan ako? Arya babae ka din... ibalik mo na ang asawa ko. Kailangan ko siya... kailangan ko siya..." pagkatapos ay tumayo siya saka mabilis na lumuhod sa harapan ni Arya. Hindi na nakapagpigil ang dalaga at naiyak na rin siya.
Kapwa lang sila sundalo ng pagmamahal. Kapwa lumalaban para sa ikaliligaya ng isa. Pero ang mahirap lang mas lamang ang isa dahil sa una pa lang ay nasa kanya na ang bandila.
"Karyn..." tinulungan niya itong tumayo. Hindi naman siya gaanong kasama para panoorin lang si Karyn na nangangayupapa sa kanyang paanan. "Karyn I'm sorry... pero mahal ko si Janus at wala akong balak na isuko siya..." pagpapahayag niya habang naiiling.
BINABASA MO ANG
MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]
Novela JuvenilSa pagbabalik ni Arya sa bansa ay magbabalik din ang mga sakit at pait at masalimuot na alaala ng nakaraan nila ni Janus. Ang lalaking kaisa-isa niyang minahal at nagpabago sa kanyang pagkatao. She was a lesbian before pero binago siya ng love. At h...