Nagmulat ang mga mata ni Janus dahil sa pangungulit ng mag-ina sa kanya. Kanina pa kasi gising ang mga ito at excited nang maglangoy sa dagat pero himbing na himbing pa rin sa pagtulog si Janus kaya kiniliti na nila ito hanggang sa magising.
"Dad, wake up! Get your trunks and let's swim!" yugyog ni Jairus na tuwang-tuwa sa paggising sa kanya.
"Okay. Okay." Atsaka siya naupo at ang anak naman niya ang kanyang kiniliti ng kiniliti.
"Okay. That's enough, daddy! I can't breathe!" lumayo si Janus na hingal na hingal sa pakikipag-harutan sa ama.
"Tama na nga 'yan. Mag-ayos ka na Janus at hihintayin ka na namin sa baba para mag-almusal, okay?" ani ni Arya na akay-akay na ang anak palabas ng pinto.
"Okay," tango niya. Bumangon na rin siya sa kama nang makalabas na ang mag-ina. Pagkatapos niyang mag-shower ay sumunod na siya. Nahanap niya ang mga ito sa may cottage at mukhang inip na inip na kaya kumain na.
"Hindi niyo man lang ako nahintay?" kunwari ay nagtatampo ang boses habang dinadampot ang tinapay saka mabilis na kinagatan ito.
"A-ang t-tagal mo daw kasi, said mom." Nabubulol pa sa pagtatagalog si Jairus. Kanina lang kasi iyong itinuro sa kanya ng ina na sabihin daw sa daddy nito. Malakas namang nagtawa si Arya dahil sa baliko-balikong pagtatagalog ng anak. Ginusot naman ng ama ang kanyang buhok habang natatawa din.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay naligo na sa maasul na dagat. Naghabulan, naglaro ng pasa-pasahan ng bola atsaka nag-jet ski ang mag-ama. Todo picture naman si Arya sa dalawa. Pagkatapos ng jet ski ay nag-banana boat sila.
Sana lagi na lang ganito. Sana lagi na lang namin siyang kasama. Pero ito lang ang hiningi ko sa kanya, ang kaunting oras para sa'ming mag-ina at pagkakasyahin ko na ang sarili ko doon.
"Mom!" untag sa kanya ni Jairus habang papalapit. Natulala kasi siya sandali. "Mom, come on! We're gonna dive under the sea!" Aya nito sa kanya at mabilis naman siyang sumunod. Sumakay na sila sa speed boat kasama ang iba pang divers. Nang makarating na sila sa pusod ng karagatan ay isa-isa na silang naglubugan sa tubig.
Kahit sa ilalim ng tubig ay nagpa-picture sila. May mga kuha nga din ng camera na magkahalikan si Arya at Janus. Kay saya ng buo nilang maghapon. Nakalimutan nila panandalian ang mga problemang bumabagabag sa kanilang kalooban. Kasiyahan lang, purong ligaya at wala ng iba pa.
Kinagabihan nang masigurado ng dalawa na tulog na ang kanilang anak ay bumaba sila sa may dalampasigan at gumawa ng bonfire. Magkayakap sila habang minamasdan ang magandang alon ng dagat.
"I love you very very much Arya. Tandaan mo lagi 'yan." Hinalikan niya ang buhok nito at nilanghap ang mabangong sanghaya ng dalaga. Lalong humigpit ang yakap niya kay Arya at inilapit niya ang kanyang mukha saka hinalikan uli sa may bandang pisngi ito. Napapikit na lang ang dalaga habang nagsumiksik kay Janus.
"I love you too..." sagot niya saka siya bahagyang nag-angat ng ulo at nagtama ang kanilang mga mata. "Parang ayoko nang matapos ang mga sandaling ito. Pakiramdam ko kapag nagkahiwalay tayo ay magiging kulang na ang ikot ng buhay naming mag-ina," muli siyang nagyuko saka isinandig ang ulo sa dibdib ni Janus.
"Ako din... pakiramdam ko kulang na 'ko kung wala kayo sa piling ko. Arya pumayag ka na kasi na hiwalayan ko si Karyn dahil hindi na rin naman ako magiging masaya kapag bumalik ako sa kanya pag-alis niyo. Magsama na tayo. Ipapa-annul ko ang kasal namin at magpapakasal na tayo kahit saang simbahan mo pa gusto,"
Hindi sumagot si Arya dahil wala siyang balak sagutin ang sinabi ni Janus. Ngumiti lang siya saka minasdan ang lagablab ng apoy ng bonfrie.
BINABASA MO ANG
MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]
Novela JuvenilSa pagbabalik ni Arya sa bansa ay magbabalik din ang mga sakit at pait at masalimuot na alaala ng nakaraan nila ni Janus. Ang lalaking kaisa-isa niyang minahal at nagpabago sa kanyang pagkatao. She was a lesbian before pero binago siya ng love. At h...