Ilang beses na napalunok si Arya at halos mamutla dahil pagkatapos ng ilang taon ay muli silang nagkita ni Janus. Hindi niya alam ang gagawin at kung ano ang mararamdaman niya. Pero hindi niya iyon ipinahalata sa mga tao sa mesa.
"Janus, meet my family. That's my Uncle Anton and Aunt Agnes and their son. That's my Grams Martha and my mom, my sweetest and lovable mommy, Arya." Masiglang pagpapakilala ni Jairus sa kanyang pamilya. Natitigilan pa rin si Arya sa kanyang kinauupuan at hindi siya makatingin ng diretso kay Janus. Nakangiti lang ito sa lahat at lalong lumuwang ang kanyang ngiti nang ipakilala siya ni Jairus sa kanyang ina.
"Hello po," atsaka siya bahagyang yumuko. "Hi Arya..." tawag niya.
"Kakilala mo ba siya anak?" tanong naman ni Martha. Nagtaas ng ulo si Arya saka tiningnan si Janus.
"Ah.. o-opo. K-Kaklase ko siya dati." Palusot niya saka siya tumayo. "K-kumain ka na ba?" Tanong niya nang harapin niya si Janus atsaka marahang tinapik sa kaliwang balikat nito.
"Mukha hindi pa kumain 'yang bisita mo. Pakainin mo muna do'n," aniyang Martha. "Jairus come here apo. You eat..." agad naman lumapit ang bata sa kanya.
Lumayo na ang dalawa sa mesa pero hindi pa rin kinakausap ni Arya si Janus. Mas pinili niyang manahimik keysa kausapin ito. Tutal naman ay hindi na niya kailangang magpanggap dahil malayo na siya sa kanyang ina at kuya at anak.
"Hindi ka man lang ba magsasalita?" untag sa kanya ni Janus nang naupo na sila sa may bench sa ilalim ng puno ng mangga na katanim din sa bakuran nila. "Kausapin mo naman ako Arya. Kung hindi mo ako kakausapin, paano ako hihingi ng tawad sa'yo?"
"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Ang kailangan ko lang gawin mo ay layuan mo ang anak ko," masungit niyang tugon sa lalaki.
"Siya na ba? Siya na ba ang—"
"Hindi. Anak ko siya sa ibang lalaki. I was joking before nang sabihin kong buntis ako nang pinapalayas ako ng nanay mo at ng girlfriend mo dahil akala ko pipigilan mo 'ko. But I was wrong... you just watched me leave and walked in the rain nang gabing 'yon..." puno ng panunumbat at hinanakit ang kanyang mga salita sa binata. Bigla namang napahiya si Janus at nagyuko.
"I'm sorry..." he said in a husky voice.
"Sorry? Alin sa mga nangyari ang hinihingi mo ng sorry Janus? Kung sabagay kagaya ng sinabi mo dati, hindi mo 'ko kaano-ano. 'Yon na lang ang gawin natin ngayon, ang magpanggap na walang nangyari sa'tin dati." Gustong malaglag ng mga luha mula sa kanyang mga mata pero nagpipigil siya. Ayaw niyang ipakita sa lalaki na mahina siya gaya ng dati. Na under siya nito at kahit anong sabihin o utos nito ay gagawin niya. Pinaalala niya sa sarili niya na ibang tao na siya ngayon at iba na rin ang buhay niya kupara noon.
"Arya that time ay takot ako sa responsibilties dahil masyado pa tayong bata. So mas ginusto ko na lang na paniwalain ang sarili ko na hindi ka nga buntis. Patawarin mo na 'ko..."
"Para saan pa at gusto mong humingi ng tawad?"
"Para sa anak ko—"
"Hindi mo nga siya anak!" Paghihimagsik ng damdamin niya at hinarap ang lalaki.
"I wasn't born yesterday Arya! I know Jairus is my son at hindi mo maitatangging ama niya ako!"
"Don't you ever tell yourself na ama ka niya dahil kung ikaw nga ang ama niya ay hinanap mo kami at sinundan sa Amerika!" muling panunumbat ng dalaga.
"I tried to follow you there. Hinanap kita pero iba ang napala ko. Nakapangasawa ako ng babaeng mahal na mahal ako. At kababalik lang namin noong nakaraang taon. Arya maniwala ka hinanap kita, hinanap ko kayo." Pagsusumamong lapit nito sa dalagang puno ng hinanakit ang bawat tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]
Novela JuvenilSa pagbabalik ni Arya sa bansa ay magbabalik din ang mga sakit at pait at masalimuot na alaala ng nakaraan nila ni Janus. Ang lalaking kaisa-isa niyang minahal at nagpabago sa kanyang pagkatao. She was a lesbian before pero binago siya ng love. At h...