My Hear Was Home Again | Chapter 2

607 23 0
                                    

     Maagang gumising si Arya nang araw na iyon dahil kailangan niyang magpunta ng bayan para maghanap ng mapapasukan. Kahit papaano rin naman kasi ay nahihiya siya kay Janus dahil sa libre na nga siyang nakikitira ay libre pa ang pagkain niya at pati na ang gatas na iniinom niya bago matulog.

     Gatas, sa tuwing iinom tuloy siya ng gatas ngayon ay iba ang naaalala niya. Hindi ang kanyang nangungulit na ina sa kanya kundi ang katawang iyon ni Janus. Kahit anong gawin niyang pagwawaksi sa kanyang isip ng larawang iyon ay malinaw na malinaw pa rin ito sa kanyang utak. Ang mamasel na katawan ng binata at ang suot nitong brief na printed pa. Alam ni Arya na bahagi iyon ng kanyang pagkababae, ang ma-attract sa isang lalaki. Pero pilit pa rin niyang itinatanim sa isip na lalaki siya.

     Habang naglalakad ay hindi pa rin niya maiwasang maisip ang nangyari sa kanya. Ang pagpapalayas sa kanya ng ama dahil nalamang hindi siya buong babae. Napailing na lamang siya. Nagpatuloy pa siya sa pag-iikot nang makita niya ang isang signage na naghahanap ng taga-bantay para sa isang internet shop. Agad siyang nag-apply sa loob at aking pasalamat niya na natanggap siya.

     Sa wakas! May trabaho na 'ko! Agad kong ibabalita 'to kay Parekoy! Siguradong matutuwa siya!

     "Mabuti na lang at nakahanap ka na ng trabaho bago magpasukan. Kaya mo ng suportahan ang sarili mo niyan." Sagot nito sa kanya nang ikwento ang nahanap na trabaho sa bayan.

     "Mabuti na nga lang at panggabi ang trabaho. At sa araw naman makakapag-aral ako," dagdag niya.

     "Ayos 'yan ah!" pagkatapos ay tumayo ito mula sa upuan at kinuha ang sports bag. "Aalis muna ako Arya. May basketball kasi ang barkada," paalam ng binata.

     "Ah, ganoon ba? O sige, magluluto na lang ako para pagdating mo ay pwede na tayong kumain," kahit man lang sa pagluluto ng pagkain ay bumabawi siya sa kabaitan ng binata. Kahit naman papaano ay marunong naman siya.

     "O sige Parekoy!" nagtapikan na sila sa balikat at umalis na nga si Janus.

     Ang bango naman niya! Wika ni Arya sa loob-loob niya nang malanghap ang panglalaking body spray ng binata. Gusto niyang ipikit ang mga mata para namnamin ang sanghaya na iyon at dumaloy sa kanyang puso at tumagos sa kaluluwa pero natigilan siya. Lalaki ako! Hindi ko dapat maramdaman ito sa kapwa ko lalaki! Pagsusumigaw niya sa kanyang utak! Naiiling na lang siyang nagtungo sa may kusina at inumpisahan na ang pagluluto. Pero hanggang sa paggigisa niya ay laman pa rin ng utak niya si Janus.

     SUMAPIT na nga ang araw ng pasukan. Kahit hirap man ay nagpupursige si Arya sa pag-aaral kahit na hirap na hirap na din siya sa pagod at puyat dahil sa pagta-trabaho sa gabi. Mabuti na lang at libre pa rin siyang nakakatira kena Janus dahil hindi pa rin dumarating ang ina ng binata mula sa abroad.

     Magaling sa computer si Arya kaya Computer Science ang kinuha niyang kurso at iyon din ang nagustuhan ng may-ari ng computer shop na pinapasukan niya sa kanya dahil bihasa na daw siya sa ganoong gawain. Tuwang-tuwa siya nang matanggap ang unang sweldo niya sa pagta-trabaho. Malinaw pa sa alaala niya noong gabing iyon, nang maglasing sila ni Janus dahil nga daw sweldo nito ay magpainom naman siya. Hindi naman siya tumanggi at nanlibre naman si Arya. Masaya silang nag-iinuman, nakikinig lang siya sa maraming kwento ni Janus kahit paulit-ulit lang. Hindi siya nagsawang nakinig, ewan ba niya kung bakit pero natutuwa siya kapag nakakakuha siya ng ganoong oportunidad na titigan ng matagal ang binata. Naramdaman na rin niya na unti-unti na siyang nagbabago. Hindi na siya 'yung Arya na lalaking-lalaki kung umasta at manamit.

     Nalasing na nga si Janus dahil sa dami ng nainom. She was intimidated by the presence of him nang maghubad ito ng pang-itaas dahil daw sumisingaw na ang init sa kanyang katawan. Impit na impit noon ang kanyang paghinga dahil hindi na niya magawang makatitig ng diretso sa binata habang nag-iinom sila. May bahagi kasi ng pagkatao niya na hindi na niya kayang itago pa; ang totoong siya. Ang tunay na Arya na walang kasing-ganda at kasing-seksi. Hinamig niya ang sarili at nag-ayos. Pinilit na lang niyang pakiharapan si Janus dahil ayaw naman niya itong makahalata sa kinikilos niya.

MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon