Chapter 01

152 5 0
                                    

"Huy vien! Ano ba, kausap ka o hindi?" naiinis na tanong ni Jash sakin at nakatingin kila Aria at Erisse na parang naghahanap pa ng kasama mainis sakin. Nagulat ako kasi parang lumulutang na naman ako sa kawalan.

"Sorry na jash, ano ba yun?" sabi ko sa kanya. As usual sabay sabay silang inirapan ako. Ang susungit!

"Nag-aalala na ko sa'yo, V. 'Di ka nag-oopen sa amin nang kung ano nararamdaman mo." sabi ni Aria

Ayoko lang kasing mag open up sa kanila kasi natatakot akong baka maipasa ko sa kanila pati yung lungkot ko. Ayoko non. Hanggat kaya ko, akin nalang 'to.

"Ano ba kayo! Parang mga sira! Okay ako naaantok lang talaga ako kaya lutang. Ano ba yung sinasabi mo ulit jash?"

"Wala, di naman masyado importante yung sinasabi ni jash. Huy bakla ka siz nandito lang kami ha." sabi ni Erisse.

Nangiti nalang ako. Sobrang swerte ko sa kanila. Malas nila sakin. Sobrang problematic kong kaibigan.

"Tara na kain na tayo pleaseeee! Gusto ko ng jabee huhu" biglang basag ni Aria, loko talaga gutom na naman.

Hanggang kaya ko, ayoko dumagdag sa isipin nila. Mas kailangan nila ako eh. Kaya kailangan malakas ako. Di ako dapat nakakaramdam ng lungkot para matulungan ko sila sa struggles nila.

Pumunta na kami sa jollibee kasi parang bata itong si Aria na nagmamaktol na gusto nya daw ng chickenjoy. Siya yung pinakabata saming barkada kaya given na magtantrums sya lalo pag gutom na.

Si Erisse ang nag order kasi isa yon sa mga ayaw kong gawin. Ang weird pero kinakabahan ako pag ako na yung malapit magsabi ng order sa counter. Yung nafifeel ko parang magtthesis defense na ganon!

"Ano pa order mo, V? Eto lang? Huy!" nagulat ako sa pag-uyog ni Pierce sakin. Napansin niyang nanginginig ng konti yung kamay ko habang nasa counter kami.

"Okay ka lang ba? umoorder lang tayo bakit nanginginig kamay mo?"

Tinago ko yung kamay ko sa likod ko para di nya na makita yung panginginig, nakakahiya! Nagulat ako nung kinuha niya kamay ko sa likuran ko at hinawakan habang tinatapos na umorder ng lunch namin sa jollibee. My happy place, kasama ang nagpapasaya sakin.

Pumunta na kami sa table na nasa gilid ng bintana. Gusto ko laging nasa may tabi ng bintana kahit sa kotse, sa classroom, sa restaurant basta mas masaya ako pag nasa tabi ako ng bintana. Nakatingin lang ako sa pagkain na isa isang inaalis ni Pierce sa tray hanggang sa nagsimula na siya manermon sakin.

"Vien, kailangan natin matanggal yang takot mo sa pag order sa counter ha. Nag-aalala ako sa'yo. Bigla nalang nanginginig kamay mo." alam ko na na ito ang isesermon nya sakin.

"Di ko naman ginusto na may weird fear ako Peej eh! Gusto ko na kumain bahala ka dyan"

Eh kasi naman, di ko alam bakit may ganon akong takot sa pag oorder, di ko ginusto okay? Ngayon pa nya ko napili sermunan eh nasa jabee kami gusto ko masaya lang, kainis!

"Hay nako tumatakas ka na naman sa usapan Vien Clarisse" sabi nya habang binabalatan nya chickenjoy nya at binigay sakin. Alam nya favorite ko yun. Kaya nangiti nalang ako sa kanya nagpapacute habang puno ng kanin ang magkabilang pisngi.

"Tss. Pa-cute di naman cute, ibibigay ko sayo lahat ng balat tigilan mo na yang pagpapacute mo"

"Epal ka" sabi ko sa kanya kahit may laman pa ang bibig ko.

the one that got away. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon