Chapter 04.

49 3 0
                                    

"Ang tagal mo teh! Muntik na kami dito amagin, akin na yung box 45 minutes nalang magsstart na" sabi ni Jash sakin.

"Oy bakit ka namumula? Huy V ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Erisse sakin.

Di ako sumasagot kasi di padin ako nakakabawi sa nangyari. Namumula daw ako. Shet kinikilig ba ko o dahil to sa pagod dahil sa pagtakbo ko papunta dito? Ang gulo ng nararamdaman ko ngayon. Bwiset ka Pierce!

"Okay lang ako. May nangyari lang. Retouch na natin to"

At ayon na nga, pagtapos namin iretouch yung mga natanggal na mga recycled materials sa damit ready na sila irampa. Nagpasalamat sila sa amin at bumalik na sa holding area. Nagstart na yung fashion show at habang nanonood kami di ako tinitigilan ng mga to kakakulit kung ano yung nangyari.

"Mamaya sa bahay kkwento ko. Tumigil na kayo muna panoorin nyo naman ako ng maayos jusko kayo"

Awarding na at kinakabahan din ako kahit hindi ako yung nandoon sa stage. Habang naghihintay pa ng mga final tally ng scores from the judges, nahagip ng mata ko sila Pierce. Sumunod pala sila dito. Nung nagtama yung mga mata namin, ako unang umiwas. Nailang ako sa kanya bigla, eh sino ba namang hindi bigla ka nalang ganunin huhu lord pwede po ba pa-void nung nangyare kanina?

Nag-announce na ng winner at nanalo kami!! Nanalo section namin, nanalo yung design namin! Omg! Exempted na kaming lahat sa monthly test! Yehey!!

Bumaba na sa stage si Bianca at Kayden para makicelebrate sa buong section. Sila Aaron nasa maapit labg sa amin nakikicongratulate sila mai an sa isang topakin. Bigla lumapit sakin si Kayden at ginulo yung buhok ko.

"Thank you vien ha! Ang ganda ng design niyo kaya nanalo section natin"

"Nako wala yon collective effort natin yan tsaka ginalingan mo din sa pagranpa at sagot! Deserve mo yan." sabi ko. Totoo naman dinesign lang namin yung costume nila pero yung pagdadala nila yung mas nagpanalo sa kanila.

"Salamat talaga, Vien" Lumapit sakin lalo si Kayden at nagulat ako nung bigla niya ko niyakap!

Di ako makakilos at mas lalo akong nagulat kasi kitang kita ko ang pagdadabog ni Pierce gamit ang mga monoblock chairs. Hinawi nya iyon kaya nagsitumbahan. Yun din ang dahilan kung bakit ako pinakawalan ni Kayden galing sa yakap nya.

"Ano yun? Si Pierce ba yon?" tanong niya.

Ano bang nangyayare doon kanina pa nagdadabog kainis.

the one that got away. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon