Chapter 06.

66 5 2
                                    

Simula nung nangyaring bugbugan ni Pierce at Kayden, well, di naman bugbugan talaga. More like suntukan lang. Hindi ko na matanggal sa isip ko si Pierce. Hindi ko alam kung bakit! Parehas naman silang nakasuntok kaya parehas silang may namumulang pisngi. Yung kay Kayden wala akong pake. Joke lang! Lagi ko naman nakikita kasing mapula yung pisngi non. Kunng hindi dahil sa suntok, sa lipstick marks ng mga babae niya, minsan sa leeg din meron, di lang kiss marks ang meron! May hickeys pa, pokpok talaga! Kaya nung nakita ko siya na may dalang ice bag at nakalapat pa sa pisngi nya, tinawanan ko lang siya.

You deserve it, Kayden!

Last week na namin ngayon at abala nalang kami sa pagcomplete ng mga clearances namin. Papunta akong canteen mag-isa para bumili ng chichirya nang nakasalubong ko sila Pierce kasama ang tropa nya bago pa man ako makapasok ng canteen. Tumigil siya sa harap ko, 'di ko siya matignan ng maayos, 'di ko alam bakit kinakabahan ako, 'di ako makahinga. Grabe yung epekto niya sakin, jusko. Pero syempre kailangan ko siya kausapin. Kakamustahin ko siya. Oo, kakamustahin ko nalang siya.

"U-uy! Pierce! Kamusta ka?" nauutal pa kong magsalita pakshet

Tinignan ko pa siya ng mas malapit at bumaling sa may gilid niya banda para matingnan yung pisngi niyang sinuntok ni Kayden. Nung nakita kong namumula at parang di man lang nalagyan ng yelo!
Tinaas ko yung kamay ko para sana hawakan yung pisngi niya. Nung malapit ko na maidampi yung kamay ko sa pisngi nya, bigla nyang hinawakan yung wrist ko para pigilan.

"Okay lang ako. Di ko kailangan ng awa mo." sabi niya. Bwiset na to! Concern na nga ayaw pa hmp! Inagaw ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Okay, sorry. Lagyan mo ng yelo yan. Humiram ka sa clinic ng ice bag. Pasensya na ha, concerned lang" sarcastic kong sabi sa kanya at iniwan na siya at pumasok na sa canteen para bumili ni chichirya. Ako na nga 'tong concern ayaw nya pa. Nakakainis!
Nag-aalala lang naman ako sa kamya mukha kasing magpapasa na yung suntok. Di man lang nilagyan ng yelo! Heh bahala siya dyan. Ayaw nya edi wag!

Natapos ang araw at nakumpleto naman namin yung mga clearances namin. Last day ng first year as a high schooler. Nakakaexcite maging second tear pero nakakakaba din. Syempre mas mahihirap na yung mga lessons. After ng encounter namin ni Pierce kanina, buong araw sa kubo ko lang sila nakita every after nila magpasign ng clearances. Nakatingin siya sa akin lagi pero di ko magawang kiligin kasi binadtrip niya ko kanina. 

Pauwi na kami nila Aria, Erisse at Jash at sobrang dami pa naming energy! Sobrang saya namjn dahil nasurvive namin ang first year hs. 3 more years in hs! Laban

"Kain tayo sa jabee? Sino gusto?" tanong ni Aria na nakataas oa ang isa kamay. Lahat naman kami ay ginaya siya at sumang ayon na kakain kami sa jollibee. Way of celebration na din.

Bago pa kami makalabas ng school, nagpaalam kami kay kuya guard na parang tatay na namin.

"Tatay, uuwi na po kami! Second year na kami pagbalik namin!" sabi ni Erisse

"Masaya ako para sa inyo mga anak! Mag aral pa kayo ng mabuti, mag ingat sa daan. See you next school year!" sagot ni Tatay Fred.

Nagpaalam na kami sa kanya at pumunta ng jollibee. Second Year, here we come!

the one that got away. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon