Chapter 14.

65 2 1
                                    

"Salamat Pierce. I owe you one"


Nagtaka siya pero siguro agad niya ding nakuha anong gusto kong sabihin. The program proper started. May mga cotillion dance na buti nalang ay di kami kasali. Nakakatamad ang gusto ko lang ay yung afterparty na. Kanina super excited ako, ngayon dahil sa panimula ni Seph, nadrain ako.


Nag-announce na yung emcee na pwede na kumain kaya naganahan ako kasi gutom na ko talaga! Tapos mas nagutom pa ko dahil sa nangyari. Tatayo na sana ako ara kumuha ng food ko pero hinawakan ni Pierce yung braso ko.



"Ako na kukuha. Take your seat, anong gusto mo?"



Eto na naman siya. Pinapaasa niya na naman ako.




"Pierce, nagthank you lang ako sayo pero di ibig sabihin non start na ulit ng pagpapaasa mo sakin. Ako na kukuha ng food ko" tumayo na ako ulit pero hinarang ako ni Pierce. Naiirita na ko ha. Gutom na ko talaga!




"Sabi ko umupo ka. This time, 'di na 'ko matatakot. I'll get our food. Wait here."


Umalis na sya sa table namin at pumunta sa buffet area. Sinundan ko lang siya ng tingin.


"This time, 'di na 'ko matatakot"


Matatakot? Saan? Kanino?



This night is supposed to be a fun and exciting night pero simula ng pag-apak ko sa loob ng venue, ang daming revelations. Isa pang pangyayari at mapapagod na ko.



Bumalik si Pierce sa table namin holding two plates. Obviously for me and for him. Yung mga classmates namin sa kalapit na table naririnig kong nagbubulungan nang ilagay ni Pierce ang isang plate sa harap ko. At dahil gutom na gutom na ako, hindi ko na sila pinansin at nagpasalamat nalang ako kay Pierce then I started eating.



Pierce was busy texting after he ate. Sabay sabay namang tumunog ang phones nila Jeremy, Jude at Aaron kaya naman napasapo sa noo si Pierce. 



Sila yung tinext niya.



 Bakit ayaw nila mag-usap usap ng harapan? Parang mga tanga 'tong mga 'to.


Syempre ang mga girlfriends ng tatlo ay mga chismosa kaya nakibasa sila. Gusto ko din makichismis pero wala na ko energy kahit kakakain palang.

Nagulat ako sa paghampas ng kamay ni Erisse sa table at biglang tumayo. Kami lang naman nakarinig dahil masyadong malakas ang speakers dahil may passing ceremonies from seniors to juniors.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the one that got away. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon