Finale

180 56 50
                                    

What does it really mean to love?

To most people, this is when you are at your happiest. This is where you share fondest of moments with that special someone. And this is when you wish that your 'once upon a time' will lead to your 'happily ever after'.

But what about the sad days? Will those memories fade and fairytales end?

──ʚ♡ɞ──

It's been exactly three weeks since I tried reaching out to you and three weeks that you never tried to call me back nor even read the messages I sent.

Gabi-gabi akong lumuluha habang paulit-ulit kong binibigyan ng rason ang sarili ko kung bakit hindi ka nagpaparamdam. Pinapaniwala ko ang sarili ko na busy ka sa trabaho kahit na saliwat ito sa mga nakikita ng mga tao sa paligid ko.

"Buksan mo ang mga mata mo, Macey!" saad ni nurse Yvonne sa akin nang minsan niya akong nakasama sa shift. Napag-alaman na nilang ikaw ang lalaking nasa video at lahat sila'y pilit akong pinapangiti sa tuwing lalabas na naman ang mga luha ko.

"You deserve someone better, Ma'am Macey." palaging saad ni John sa tuwing nakakasama ko siya sa shift.

I inhaled air as if my life depended on it. I wanted to gather all the strength I need as my cab slowly came to a halt.

"Ma'am, narito na tayo." saad ng taxi driver nang tuluyan na niyang maiparada ang sasakyan sa tapat ng bahay ninyo.

Tiningnan ko iyon at nakita ang daloy ng tubig na may kasamang sabon. 'Siguro'y may nililinis si tito.' Sambit ng isipan ko.

"Manong, pakiantay na lang po ako rito. May kakausapin lang ako." Paalam ko sa driver bago ako tuluyang bumaba. Isang malalim na hininga muli ang aking inipon. "It's now or never." pagpapatatag ko sa kalooban ko.

Pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko habang papalit ang mga habkang ng paa ko tungo sa bahay ninyo. Hindi ako sigurado kung makikita kita ngayon rito ngunit laking pasasalamat ko nang lumabas ka mula sa pintuan at may dala-dalang basahan habang tinutungo ang isang bagong sasakyan na nakaparada sa inyong garahe.

Kulay puting Honda Civic, ang kotseng nais mong bilhin sa una mong suweldo at mukhang ito ang nililinisan mo.

"Macey!" Magiliw na tawag sa akin ng papa mo nang masilayan niya akong nakatayo sa gate ninyo. Pinagbuksan niya ako't pinatuloy. "Ang tagal mong hindi nagpakita rito, ah! Sandali't ipaghahanda ka namin ng meryenda."

Ayaw ko mang tanggapin ang alok ng papa mo'y wala na akong nagawa dahil kaagad siyang pumasok sa loob ng bahay ninyo at wala ka nang nagawa kundi ang harapin ako.

Kung noo'y punong-puno ng lambing at pagmamahal ang mga mata mo sa tuwing nakikita mo ako, ngayo'y hindi ko na mabasa kung ano ang nasa isipan mo ngunit klarong-klaro sa pagkunot ng noo mo na ayaw mo akong makita sa araw na ito.

Tila sinaksak na naman ng libo-libong punyal ang puso ko nang makitang hindi ka natutuwa sa presensya ko.

I inhaled air again and again as if it was the only thing that is giving me strength right at this very moment.

"Kamusta ka na?" Malambing kong tanong sa 'yo.

Ang dami kong gustong sabihin katulad ng "I miss you" at "I love you" ngunit tanging "kamusta ka na" lamang ang nakayanan kong isaboses nang masilayan ka.

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon