Flight Six

29 7 0
                                    

KINABUKASAN,

Hmmm…”naramdaman kong may uma-alog sa akin ay saltik talaga tong kapatid ko—panira ng tulog -_-

Hey,wake up,mind you I’m not Gusting,who’s that?” mausyoso masyado ampo >.<

Akala ko ay ang kapatid kong si Augustine ang gumigising sa akin..
Wala nga pala ako sa bahay namin…

Kinusot-kusot ko ang mata ko at inaninag ang nasa harap ko...

Na-ulanigan ko si Levi…Nag-init ang ulo ko.

“Punyeta ka! wala pang alas otso ah! alas tres pa lang ng madaling araw! maaga pa!”

“Tsss di kita napalo sa pwet kagabi diba? This is my revenge,make my breakfast and stop calling me punyeta,Luna” utos nito.

Dumiretso ako sa malawak nyang banyo—nag-hilamos ako at nag-mumog
Pag-labas ko ng banyo ay nakaupo na si Levi sa kama..

Sarapan mo ang luto ah”

“Ginagawa mo na 'kong alila ah” ungot ko rito.

“Choosy ka pa? di ka naman nagre-renta ah?”

Binusangutan ko lang ito at bumaba na sa kusina

Ang ganda ng kusina—malinis at malawak....
wala bang maliit na parte ang bahay nya?

Sinimulan ko ng mag-luto at mag-saing….
Pag-dating ko sa dinning nakaupo na sya roon.
Inilapag ko na ang sunny side up egg at kanin,kumuha na rin ako ng malamig na tubig sa ref.

“Ano to?” nakangiwing ani’ya.

“Breakfast mo…” naka-ngiti kong sambit.

“Kanin ba ‘to o lugaw? Bat ganito ‘tong sunny side up mo? Na-deform yung yellow part ng itlog?”

“Dami mong dada tikman mo na lang…” nalukot ang ilong ko sa dami ng angal nya.

“Pwe! Ampangit ng lasa! May lason ba 'to?”

“Dapat kasi ikaw ang nag-luto…”

“Paano ka naging F.A sa lagay na ‘yan? Hindi ka marunong mag-luto.”

“Taga-serve lang naman ako…”

Bumalik nako sa lababo at hinugasan ang ibang utensils na nagamit na…
Sumunod naman si Levi bibit ang pinagkainan nya…

“Bakit ganyan ang suot mo?” nalukot ang ilong nya.

“Okay naman ang suot ko ah?” napatingin ako sa suot ko—wala namang mali…

“Masyadong maikli” naka-ngiwing ani’ya.

“Bakit concern ka?” anas ko rito.

“Tss! may kapatid rin akong babae kaya ako ganito…”

“Ano bang problema kung maikli ang suot ng babae ha? Kayo lang naman ‘tong manyakis eh” pag-tataray ko rito.”

“There are boys kase na mali ang pag-iisip,you know you need to think like them… para makaiwas ka..pag kasi kulang na sa tela ang suot ng isang babae-natural matutukso yon they feel proved by girl’s dress-up meron rin namang talagang manyakis kaya wag kang magsusuot ng ganyan sa labas,maraming manyakis rito”

“Isa kana ron” asar ko rito.

Nagulat ako ng tumama ang palad nya sa pang-upo ko.

“Paninirang puri yon…” nakangising ani’ya

“Punyeta ka! Punyeta ka!” sinakal ko si Levi hanggang mapaupo sya sa sahig.

“*cough* ackk  No violence please…”

“Punyeta kang manyakis ka!” diniinan ko ang pagkakasakal ko rito.

Bumagsak sya sa sahig,ganon na rin ako.
Pilit nyang tinatanggal ang kamay ko sa leeg nya…
“You a-are s-so *cough* war freak..Luna”

Dinaganan ko si Levi-umupo ako sa may bandang tiyan nya.
“Kakatayin na kita…” mala-demonya kong sambit.

“*cough*”

Nagulat ako ng biglang may sumigaw
“My God,Levi!” Napalingon ako sa pinanggalingan nito.

“So cheap!” maarteng komento ni Miss Leevie “Why naman sa sahig? Low budget ba,Dear? You have a huge kama naman ah?”

“My God,Levi! Gusto ko na magkaapo sa inyo ni Luna but please! Kasal muna!” umaktong na-s-stress si Tita Marie .

Namula ang mukha ko at umalis sa ibabaw ni Levi…

Kasalanan mo 'to” sinamaan ko ng tingin ang bumabangon sa sahig na si Levi…

“Excuse me,my fault?” kunot noong tanong nya

Inismidan ko lang sya at humarap kina Tita Marie...

“B-bakit po ang aga nyo Ma’a----Tita?”

Si Miss Leevie ang sumagot, “Oh! We will surprise Levi sana pero kayo pala ang may surprise!”

Napalingon ako kay Levi, “B-birthday mo?” August five ngayon…

“Yes,Luna thanks to you muntik pang ito ang maging last day ko,Nice gift” Inirapan ako nito.

“Sorry na…” pag-hingi ko ng paumanhin dito

“Tsss” nag-cross arms lang sya.

“Luna!what’s our regalo to kuya?” conyong tanong ni Miss Leevie

“Manners ehehe”

“Akala ko ba nag-s-sorry ka ha?” pagtataray ni Levi.

“Tita bat andami nyo namang dala?” usisa ko sa eco bags na dala nito.

“Oh,lulutuin ko ‘to para kay Levi,Iha”

“Mom,I told you ayoko ng Parties-Parties are not my style” Kris Wu ikaw ba ‘yan?

“Masyado ho yatang marami yan, dapat binili nyo na rin yung grocery store” biro ko pa.

“Why would we buy it naman Luna,my dear? Eh amin naman  talaga yung Super market?” maarteng sabi ni Miss Leevie.

“Kelan ka pa naging conyo,Miss Leevie?” Hindi kasi sya ganyan nung first and second meeting namin...

Cover nya lang pala ‘yon? Tsk! tsk!—napailing ako

“Since I was born… and please.. Leevie only!”

Tinulungan ko na silang maghanda sa kusina habang nasa salas naman si Levi.

Andami nilang niluto---oo sila lang di kase ako masarap magluto eh

“Formal party po ba tita?” usisa ko rito.

“No,Iha casual will do… Levi is allergic to Parties but a simple one will do…”

Pag sapit ng tanghali ay maayos na ang venue—isang Party sa may malawak nilang likod-bahay

Nung mag-ala una na ay nagsidatingan na ang mga bisita…..

My Submissive F.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon