Flight Ten

19 1 0
                                    



Nagising ako sa kama na naka-yapos at nakaangkla ang hita ko kay Levi…

“Bwiset!” Tinulak ko si Levi mula sa kama kaya nahulog sya sa sahig.
Dapat lang ‘yon sa kanya hmm! Hindi ko alam kung bakit naka-maldita mode on ako ngayon.

“Ouch! Luna,why did you do that? Do you have a problem about me?” pupungas-pungas pa ang matang sabi ni Levi.

“Ewan ko sayo!” Padabog akong bumangon sa kama.

“Ano bang ipinuputok ng butsi mo?”

“Gusto ko ng umuwi.” Pagsisinungaling ko. Ayoko pang umuwi…
Gusto ko pa syang makasama ng matagal…

“We’re not going home unless you tell me what you problem is.”
Anong gusto mong gawin ko!? Ni hindi ko nga rin alam kung anong problema ko!

Bago pa ‘ko makasagot ay may pumasok ng babae sa suite namin.

“Kuya I’m here!”
Cute ang babae---naka-suot sya ng floral dress at hat.

“She’s Loryelle,my baby sis…” pagbibigay alam ni Levi
May isa pa pala syang kapatid?

“Hi! I’m my Kuya’s-only baby..If you will be my Kuya’s baby…I would really cry,HARD” sambit pa nito at nag-lungkut-lungkutan.

“She’s my moonshine,baby sis” banat ni Levi at nagpakawala ng makalaglag na ngiti.

“Oh,kuya let’s have some breakfast on the Restau. ,Now.”

Pumunta kami sa Restaurant na kinainan namin kahapon.

“Mag-c-cr lang ako.” Paalam ko.

Levi’s POV

“Kuya,why does that girl looks like angry on you?” pang-chi-chismis ni Loryelle.

“I don’t know baby sis,maybe may period sya?” biro ko rito.

“Kuya,why don’t you gave her a lollipop na lang? You know,it makes me calm hihi”.

If Leevie is the conyo and maarte/ma-attitude,Loryelle is the childish and cry baby one. Instead of blackmailing like Leevie,she’ll just throw a tantrums and everything will went as what does she want.

Maya-maya ay bumalik na si Luna—busangot pa rin ang mukha nya…
Tahimik lang syang kumakain..
Luna,being quiet is quite odd parang may kulang sa araw ko.Cringe -_-

Pag-dating ng tanghali ay nag-langoy at naglaro na lang sila ni Loryelle sa dagat.
Tanaw ko lang sila mula rito sa pampang…

Luna’s POV

Nandito kami ni Loryelle sa dagat nagyaya kasing makipag-laro si Miss Loryelle.

“You are Luna ,right? Ate Leevie is always talking about you…” kwento nya “You are my future sister-in-law daw?”

“Hindi naman ako gusto ng kuya mo inaasar nya lang ako parati” parang nalungkot ako sa isipin kong ‘yon. Pano ay lagi akong inaasar noon…

“Ba’t parang na-sad ka? You want a lollipop?” Iniluwa nya ang lollipop sa bibig nya at inialok sa akin.

“Ehehe hindi na” tanggi ko pa.

“Eh Barbie you like?,” alok nya “O baka naman si Kuya ang like mo? hihi” napailing na lang ako sa biro ni Miss Loryelle. Banatera rin.mana sa Kuya.

Inabot kami ng gabi sa dagat…

Pinanood ko lang ang pag-lubog ng araw at pag-litaw ng buwan…
Sa tuwing nakikita ko ang buwan ay naalala ko ang paborito kong karakter sa isang storya na si Mariake…
(Read All I ask by xxakanexx #thebest)

Tinitigan ko lang buwan..
Si Miss Loryelle naman ay bumalik na sa kwarto ng kuya nya…

Nagulat ako ng may humigit sa kamay ko.

“L-levi?,” Si Levi nga! “ San mo ‘ko dadalhin?”

“Luna,this is a take two..” nakangiting ani’ya.

“Huh?” dinala nya ako sa eksaktong lokasyon namin kahapon.

“Luna gusto kita…”
Ilang minuto akong ‘di tumugon…

“Bakit natahimik ka?” kunot noong ani’ya.

“Hinihintay ko kase yung  Joke lang mo” ganon kase ang nangyari kahapon kaya ayokong umasa—ULIT.
Tumawa lang ang punyeta.

“Luna,gusto nga kita..palagi lang kitang binibiro pero seryoso ako sayo” banat ni Levi na sinabayan nya pa ng kindat.
Niyakap nya pa ako patalikod.

“Hmp!” pilit akong kumakawala dahil nahihiya akong sa lakas ng tibok ng puso ko ay baka maramdaman nya. Punyeta! Nanghihina ang tuhod ko! Kinikilig ata ako!?

“Luna….” Tiningala ko ang mukha nya ng di umaalis sa pwesto ko “Bukas liligawan na kita…”

“Bakit naman bukas pa?” pangiintriga ko.

“Atat ka rin eh ‘no?” biro ni Levi.

“Bakit nga?,” tanong ko ngunit hindi sya tumugon,tumitig lang sya sa buwan “Hoy! Bakit nga!?” tanong ko ulit.

Pinakawalan nya ako sa yakap nya at sa halip ay ipinulupot nya ang kaliwang kamay nya sa bewang ko,habang yung kanan naman ay hawak ang isa kong kamay at hinahalikan ito.

“Let’s go,moonshine…” inaya nya na akong bumalik.

Pagdating naming sa kwarto ay bumungad si Miss Loryelle.

“Ayos na kayo,kuya?” pang-chi-chismis nya kay Levi.
Tumango lang si Levi bilang tugon.

“Then I’ll go back to my room na…I want a baby girl,huh! Bye!” pati si Loryelle ay nagiging malaswa na rin.

“Come on Loryelle you’re too young for that!” punto nito sa biro ng kapatid.

“I’m turning 18 na kaya!” tumatakbo syang umalis.

Levi’s POV

Pag alis ni Loryelle ay isinandal ko si Luna sa pader at iniharang ang kamay ko sa gilid nya….

“Bukas ligawan na kita..” nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya.

“Manliligaw ka pa lang pero parang may balak ka ng manghalik! Bakit kase bukas pa?”
Bago pa ‘ko makasagot ay may biglang pumasok…

“Ay sorry to interrupt hihi,mag-k-kiss na ba kayo?" Tanong ni Loryelle.

“Loryelle,what are you doing here?”

“Kuya kase kung mag-k-kiss kayo dito sa bukana,aba! Lock the door! Hihi!,” umismid lang si Levi “I’m here kase kukumustahin ko sana si Trein.”

“Pwede ba Loryelle… you are too young for him and please! stop chasing after Trein,” ani Levi “Call him Kuya Trein.” Pangaral nya sa kapatid nya.

“I won’t bother to call or treat him as my Kuya! Hmp!,” nag-walk-out si Miss Loryelle “Tsk! Brat” napailing na lang si Levi sa kapatid nya.

*Ringing….
Kumawala ako sa pang-c-corner nya sakin sa dingding..
“S-sandale may tumatawag…” nag-ring kase ang phone ko.

“Hello ho?”
“Oho okay lang ho ako…Ingat rin ho kayo…”binaba ko na ang telepono ko.

Dahil sa saya ko rito sa Cebu nakalimutan kong babalik pa nga pala ako ng Maynila…
Ika-limang  araw ko na ‘to sabi pa naman ni Miss Leevie eh isang lingo lang ako rito sa Cebu…

“Hey,Moonshine matulog ka na….” hinalikan ako ni Levi sa noo.
Pumunta na kami sa kama.

“Sa susunod labi mo na ang hahalikan ko” tumawa na naman ang gagi.

“Mangarap ka lang…,” Naggigil na pinisil ko ang ilong nya “Magdasal ka bago matulog ah.” Bilin ko sa kanya.

“Yup,I’ll pray for us….” Hinalikan nya ang kamay ko at pinag-daop ang palad namin…

“Uuwi na tayo bukas…” nakangiti ani’ya at pumikit…

Tsaka ko na lang aalalahanin ang pag-alis ko….

My Submissive F.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon