Simula

26 0 0
                                    

Simula


"Inalok ako ng mga Nazarro, ang sabi mag-aalaga ng mga hayop, tinanggihan ko dahil wala naman akong alam sa agrikultura," rinig kong sabi ni papa mula sa sala.


"aba sayang 'yon at dagdag kita rin," si mama na halata ang pang hihinayang sa kanyang boses.


Pinagmamasadan ko ang katatapos lang na project namin ng mga ka-grupo ko. Kalahati pa lang ang natapos naming sa iskuwelahan pero dahil nag time na inako ko na ang kalahati para maiuwi ang laptop ng kaklase ko, para hindi na ako magrenta sa computer shop at dito na gawin ang iba pang gawain sa skuwela.


"Pero sabi'y tuturuan naman ako, nakakahiya kaya sinabi kong pag-iisipan ko"


"Ate nandiyan na sila mama, tawag ka."


"Saan ka galing, 'bat ang dungis mo?" Sabi ko, kakapasok lang niyang kuwarto para kumuha ng damit.


"D'yan lang, nagpalinis ng bubong yung kapit bahay, sayang at pera rin." narinig kong sabi niya bago ako makalabas ng kuwarto.


Nagmano ako kay mama habang umiinom siya ng tubig. "Ma, kailangan ko ng rugby para sa sapatos, bumigay ulit eh."


"Ganoon ba? Osige," inabutan ako ni mama ng pera. "Sundan mo ang papa mo nakalimutan ko magpasabay ng asin."


Hindi pa naman talaga madilim pero hindi mo na matatanaw ang araw. Paglabas ko ng bahay sumalubong sa akin ang simoy ng hangin na may dalang amoy dagat, naririnig ko rin 'di kalayuan ang tunog ng alon na para bang inaanyayahan akong pumunta roon.


Sinilip ko si papa sa madalas nilang tambayan ng mga kasama niya lagi sa pamamalaot, pero 'di ko siya nakita.


"Mang Berting, nakita niyo ho ba si papa?" tanong ko sa isang kakilala roon.


"Naku, nandon sa tabing dagat may kausap na sexy'ng dalagita kanina" galak na galak pa na sabi nito.


Hindi na ako nagtataka kung may kausap itong babae. Nag bebenta si papa ng shell at iba pang pagkakakitaan galling sa dagat. Kung minsan sinusulatan o ginuguhitan niya ang mga ito bago ibenta, kaya baka isang turista ang tinutukoy ni Mang Berting


Papunta sa dalampasigan, nilalagpasan ko ang kabahayan na iilang hakbang lang 'ata ang pagitan sa bawa't isa. We're not really rich, even at the higher levels of the lower class we cannot pass. Kami na siguro ang talagang matatawag mo na 'isang kahig, isang tuka'.


Nakita ko ang tsinelas ni papa 'di kalayuan.


Bakit naman iiwanan ni papa ang tsinelas niya? Sinusundan ko ang bakat ng paa niya sa buhangin ng mapansin kong papunta itong dagat. Nang lingunin ko ang daan sa kabahayanan ay maliit na 'to sa paningin ko. 'Di ko man lang namalayan na hindi naman mapapadpad si papa rito o baka hindi naman talaga sakanyang tsinelas iyon.


Babalik na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakahiga sa tabing dagat at na-aabutan ng alon. Kung gaano kalayo ang nilakad para makarating dito, ganon din ang layo ulit ang kailangan lakarin papunta sa lalaki.

Clouds and WavesWhere stories live. Discover now