Kabanata 1

18 0 0
                                    

Kabanata 1


"Ate, ang tagal mo naman," Reklamo ng kapatid ko habang ina-abot sakin ang helmet.

Nag paalam na ako sa mga kasama ko at humarap sa kapatid ko. "madami kaming ginawa, malapit na ang Pre-lims." sabi ko habang sinusuot ang helmet. "Malapit na rin ang Pre-lims niyo, hindi kaba nag-aaral?" tanong ko.

"May groupings kami at nagre-review naman ako sa gabi." sagot niya.

Para sa amin mahalaga ang pag-aaral. Noong bata pa lang kami hindi basta-basta nakukuha ang mga gusto namin. Hindi naman nagkulang sila mama at papa nang pagpapaliwanag kung bakit. Nung una, oo 'di namin maintindihan dahil bakit ang mga kalaro naming ay may kung ano anong laruan samantalang kami ay wala. Pero patagal ng patagal nakikita namin ang kaibahan ng buhay namin sa buhay ng iba. Dahil doon patagal din ng patagal mas nagiging mahalaga sa amin ang pag-aaral.

Bumaba ako sa second hand na motor pagdating ng bahay. Matagl naming pinag-ipunan ang motor na 'to, mula noong grade 10 ako at grade 7 naman noon si Gael, dahil may kalayuan ang BaStateU sa Matabungkay.

"Ma, nasaan si papa?" tanong ko ng mapansing wala si papa.

Alas dos y media na ng tanghali, at lagi nila kaming hinihintay ni Gael para magsabay kaming apat mananghalian.

"Nasa mga Nazarro, tinggap iyong trabaho." sabi niya mula sa hapag "ihatid mo itong pagkain ng papa mo pagtapos nating mananghalian" rinig ko pang habol niya bago ako makapasok sa kuwarto namin ni Gael.

Umupo muna ako sa baba ng double deck para mag punas ng pawis bago magbihis ng pangbahay nang pumasok din si Gael para kumuha ng damit pamalit tska ito muling lumabas.

Paglabas ko ng kuwarto ay nagk'kuwentuhan at nagsisimula na sina Mama at Gael kumakain sa hapag.

"Si Gael na lang Ma" sabi ko pag-upo.

"May groupings ako ate, tska puwede ba! wala ka namang ginagawa dito" masungit na tugon ni Gael.

Ngumuso na lang ako sa pagkatalo. Sabagay wala naman akong ginagawa madalas sa ganitong oras, kadalasan ng School works ay tinatapos ko na sa school bago umuwi, mas gusto ko ang ganoong set up dahil maluwag sa schedule at marami pa akong ibang nagagawa.

Wearing my usual clothes, halter lace with my long skirt ay inihatd na ako ni Gael sa mga Nazarro bago siya tumuloy sa kanilang groupings. Kilala ang mga Nazarro rito dahil sa ganda at pinakamalaking lupain sa bayang ito.

Nag doorbell ako ng ilang beses bago pagbuksan ng nagbabantay sa maliit na tarangkahan.

"Magandang hapon po," sabi ko sa lalaking tingin ko ay na sa 30's na ang edad. "Anak po ako ni Galdo, Ipapa-abot ko lang po itong pagkain,"

"Sinong Galdo?" Masungit na tanong nito.

"Iyong bago pong tauhan ng mga Nazarro," ngumiti ako dito para hindi na ako sungitan.

"Ahh, 'di ak-" naputol ang pagsasalita ng bantay ng may nagsalita sa likuran nito.

"Who's there?" sabay naming nilingo ang humiyaw mula sa loob.

Isang babaeng naka bistida mula sa malawak na front yard at naka upo sa tapat ng isang eleganteng lamesa.

"Ma'am, nag papa-abot lang po ng pagkain sa tauhan," sabi ng guwardiya .

"Let her in." Utos nito kaya walang nagawa ang taga bantay kundi papasukin ako.

Pagpasok ko sa kanilang lupain ay ramdam ko na ang karangyaan ng pamilya. Malawak ang kanilang Front yard at napupuno ng mga halaman ang mga matataas na dingding nito, ilang metro pa ang kinakailangan lakarin bago makarating sa kanilang double door.

Clouds and WavesWhere stories live. Discover now